Gabby Concepcion out, Dennis Trillo in

Gabby Concepcion out, Dennis Trillo in

A few weeks before the principal photography of the newest movie of GMA Films, former actor Gabby Concepcion (right) has decided to back out from the project. Dennis Trillo (left) will replace him as the love interest of Jolina Magdangal and Rufa Mae Quinto.

Isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mga unang nakaalam na hindi na tuloy si Gabby Concepcion sa pelikula ng GMA Films na magsisilbing comeback movie niya sana. Agad hinanap ng PEP si Noel Ferrer, project development manager and head of synergy ng GMA Films, para alamin kung ang totoo nga ang balitang hindi na tuloy si Gabby.

Kare-report lang ng PEP na tuloy na ang comeback movie ni Gabby na last year pa siya pumirma ng kontrata sa GMA Films. Tumanggap na rin siya ng downpayment sa kanyang talent fee. ‘Tapos, heto ang balitang out na siya sa first international-shot movie sana ng film arm ng GMA-7.

Kinumpirma ni Noel sa PEP ang balita. Ang official statement ng GMA Films ay napagkasunduan nila ni Gabby na ibang project na lang ang gawin niya. Ibig sabihin, hindi man siya natuloy sa nabulilyasong project, sa movie company pa rin ang commitment niyang gawin ang kanyang comeback movie or else…

Sa pagkawala ni Gabby sa cast, iba na rin ang title ng pelikula. Sa halip na My Holiday-Off (The Love Cruise), ITALY (I Trust And Love You) na ang title nito. Pero sa Italy pa rin ang shooting at si Mark Reyes pa rin ang direktor. Tuloy pa rin ang pagko-cover ng Summit Media, particularly ang YES! sa shooting sa Italy at sa cruise ship.

Join na rin sa cast si Eugene Domingo. Sa kanila nina Jolina Magdangal at Rufa Mae Quinto iikot ang istorya. Of course, kasama pa rin sina Mark Herras at Rhian Ramos.

Nanghinayang man sa hindi pagkatuloy ni Gabby, naniniwala ang mga taga-GMA Films na magandang pelikula pa rin ang kalalabasan ng ITALY with the actor na ipinalit nila kay Gabby.

THE REPLACEMENT. At ang napiling pumalit kay Gabby ay walang iba kundi si Dennis trillo.

Nasa taping ng Maynila si Dennis with Nadine Samonte nang sabihin ng manager niyang si Popoy Caritativo ang magandang balita na in siya sa movie at out na si Gabby.

Nang unang sabihin kay Popoy na gusto nina Jolina at ng ama nitong si Mr. Jun Magdangal na isama si Dennis sa movie, akala ng manager ni Dennis ay ang role ng kababata ni Jolina ang ibibigay sa young actor, kaya hindi muna niya sinabi rito. Habang ini-explain na lang sa kanya ang takbo ng istorya na-realize ni Popoy na role ni Gabby at leading man sa movie ang ibibigay kay Dennis.

Tinanong ng PEP si Popoy sa naging reaction ni Dennis nang malamang join na siya sa cast?

“Masayang-masaya siya at wala raw siyang pakialam tirahin man siya at negative man ang maging dating sa iba ng pagkakasama niya sa project. Kahit sabihing second choice lang siya, okay pa rin sa kanya. Ang importante, sa kanya napunta ang project,” pahayag ni Popoy.

Kung hindi sa March 31 (kasabay ni Rufa Mae Quinto) ay sa April 4 (kasabay nina Mark at Rhian) ang alis for Italy ni Dennis. Excited ang young actor dahil first time niya sa Europe.

Dahil may ilang linggo pa bago umalis, makakapag-advance taping pa siya sa E.S.P., kung saan guest siya for one month. Hindi na niya kailangang mag-taping in advance ng SOP at Bubble Gang dahil marami sila sa show at hindi mararamdamang wala siya ng ilang linggo. Malapit na ring matapos ang shooting nila ni Judy Ann Santos ng Regal Entertainment movie na Kulam at baka bago pa man sila umalis ay tapos na sila.

Ang maaapektuhan at made-delay ay ang gagawing Sine Novela ni Dennis sa GMA-7, ito ay kung tama ang sinabi ni Rufa Mae na three weeks sila sa Italy taliwas sa ibinalita ni Mark na 10 days lang silang magsu-shooting. O baka naman magkaiba ang location nila ni Dennis.

First time magtatambal sa pelikula sina Dennis at Rufa Mae. Dahil naging item sila for sometime, tiyak na magkakaroon ng ingay ang kanilang pagsasama. Pareho pa naman silang single ngayon at malayo sa tsismis. Hindi magugulat ang PEP kung pagbalik nila ng Pilipinas ay may ma-rekindle na romance sa kanila at couple na uli sila.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: