Angelika dela Cruz buries issue with Jolina Magdangal

Angelika dela Cruz buries issue with Jolina Magdangal

“Yung mga tampu-tampuhan noon, bagets kasi kami. Siyempre, may mga nagsusulsol, may mga chu-chu, ganyan. Siyempre nga naman, bata ka. Pero, alam n’yo yun…you grow out of it. Kapag matured ka na, maiisip mo, nakakaloka naman, nakakatawa naman kami no’ng bagets,” clears Angelika dela Cruz about rift with Jolina Magdangal.

Ang Babangon Ako at Dudurugin Kita ay ang kauna-unahang remake at unang soap opera na gagawin ng nagbabalik na Kapuso na si Angelika dela Cruz matapos lumisan sa Kapamilya network.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelika sa presscon ng naturang TV series sa Oasis, two taping days pa lang daw siya nakakapag-shoot.

“Kasi, ang pasok ko sa story, ending ng third week. Kasi siyempre, nagsimula sa mga bata pa lang,” aniya sa amin.

Hindi ba siya naninibago dahil after almost two years, ngayon lang siya muli nagbabalik sa Kapuso?

“Hindi. Actually, yung two taping days namin, bongga! In fairness, ang aga naming natatapos sa taping. Ang sarap! Alam mo yung pagdating mo sa set, talagang trabaho, ‘tapos, tapos ka na. Ang galing, ang sarap! Hindi yung tengga-tengga, nganga. Hindi gano’n. Masaya sa set. As in, professional lahat,” tuluy-tuloy na kuwento ni Angelika.

Konti pa lang daw ang nababasa niya sa kabuuang script ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Pero nagulat daw siya na hindi naman pala siya super sa pagkakontrabida rito.

“Ang usapan kasi namin dito, I’m really bad. Actually yung role ni Via [her character] is because of love, ganyan-ganyan, ek-ek…Pero noong mabasa ko ang story…kasi ‘di ba, sa original [na movie], alam ni Hilda Koronel na asawa ni Alfred si Salve, pero, inagaw niya. Dito sa story, hindi niya alam. Ang alam niya, katulong lang si Salve, itinago nila [na mag-asawa].”

NO REGRETS. January of this year nang lumipat siya sa GMA-7 pero, so far, masaya raw siya sa lahat ng nangyayari sa kanya sa network at walang regrets sa ginawa niyang desisyon.

“Tama po, walang regrets. At saka, masaya ‘ko.”

May sinabi na rin daw sa kanyang iba pa niyang show other than Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Pero, hindi pa niya alam kung ano ito.

“Actually, sinabihan na nila ‘ko na may kasunod na ‘kong gagawin. Pero ayaw nilang sabihin sa akin kung ano. Kasi sabi nila, ‘Kapag sinabi namin sa ‘yo, itsi-chika mo kaagad ‘yan.’ Sabi ko, ‘promise, hindi ko itsi-chika!’ Pero sabi nila, ‘knowing you, itsi-chika mo ‘yan!’ So, ako, ‘sige na nga.’”

Wala rin daw problema sa kanya kung kontrabida pa rin.

“Ako kasi, okey lang, basta ba maganda yung role. Basta matsa-challenge ako.”

Pakiramdam din daw ni Angelika, tila binabalikan niya ang dating seryeng ginawa niya sa Kapuso like Ikaw Lang ang Mamahalin at Habang Kapiling Ka noon dahil sa pagiging heavy drama ng Babangon.

Since ang role dati ni Hilda Koronel ang ginagampanan niya ngayon, si Angelika na mismo ang nagsabing, “Aktingan talaga!”

Asked kung may pressure ba sa kanya?

“Hindi naman ako nape-pressure kasi, alam ko naman na hindi ko naman mapapantayan si Tita Hilda. Siyempre, iba naman ang style niya, iba naman ang style ko. Ayoko namang i-pressure ang sarili ko na kailangan ganito. Kailangan ganyan. Basta ako, I’ll give it my best. Ie-enjoy ko ang trabaho ko, okey na yun.”

LIKE A BROTHER. Kapareha ni Angelika si Marvin Agustin dito. Pero for the longest time, madalas nilang sabihin na ang turingan nilang dalawa ay parang magkapatid. Kaya naitanong ng PEP kay Angelika kung hindi ba siya nailang sa mga eksena nila ni Marvin na may kissing scenes at love scenes?

“Hindi naman. Kasi, professional naman kami ni Marvin. Actually, hanggang ngayon, ang tawag ko pa rin sa kanya, kapatid! ‘O, kapatid, halika na love scene na ito!” natatawa niyang sabi.

“Pero alam n’yo mas kampante nga kasi, alam mo naaalagaan ka ng taong kaeksena mo. At saka, mabuti na lang hindi kami pa-tweetums-tweetums. Or else, parang ang hirap kiligin kasi, kaibigan ko siya, e. Parang kuya ko si Marvin.”

Ayon kay Angelika, maayos daw ang naging pagpapaalam niya sa ABS-CBN dahil ayaw naman niyang magsunog ng tulay. In fact, hanggang ngayon daw ay nakaka-text at nakakausap pa rin niya ang dating co-star sa Prinsesa ng Banyera na si Kristine Hermosa.

Yun nga lang, mas kasagsagan ng network war nang lumipat siya. Hindi ba siya nakaka-experience ng may mga nagagalit sa kanya or nagkukuwestiyon ng loyalty niya?

“Alam n’yo kasi, whatever you do, ang tao naman, palagi namang may masasabing masama. Alam naman natin yun sa trabaho na ito. We cannot please everyone and I don’t intend to. Kumbaga, napagod na ‘ko na mag-effort na i-please lahat ng tao. Ngayon, kung ayaw mo sa akin, okey lang, sige.”

Ang focus daw niya sa ngayon ay trabaho talaga.

“Naku, gusto ko talagang magtrabaho ng bonggang-bongga this year! Ang ipinahinga ko last year, idodoble ko, ibabawi ko this year.”

ISSUE WITH JOLINA. Noong umalis siya sa GMA-7 at bumalik sa ABS-CBN 2 (she started her TV career in ABS-CBN’s Mara Clara), may kumalat na isyu noon na isa raw sa dahilan ng paglipat niya noon sa Dos ay yung pagpasok ni Jolina Magdangal sa Siyete at sa dating show niya na S.O.P.

Kumusta na ba silang dalawa ngayon?

“Okey kami. ‘Tsaka matagal na rin dito sa GMA si Jolina nung umalis ako.

“Basta ako, ang lahat ng desisyon ko, sa akin. It has nothing to do with other people. Kumbaga, I’m not the insecure type na kapag may ganito, maggaganyan ka, aalis ka. Hindi. Lahat ng desisyon ko, mali man o tama, ako yun.”

“With Jolina, yung mga tampu-tampuhan noon, bagets kasi kami. Siyempre, may mga nagsusulsol, may mga chu-chu, ganyan. Siyempre nga naman, bata ka. Pero, alam n’yo yun…you grow out of it. Kapag matured ka na, maiisip mo, nakakaloka naman, nakakatawa naman kami no’ng bagets.”

A VERY KIND CREATURE. When it comes to her love life, two years and three months na raw sila ng non-showbiz boyfriend na si Orion Casareo. And she’s very happy sa relasyon nila.

Dugtong pa ni Angelika, “Isa siyang napakabait na nilalang!”

Wala pa ba silang plano to settle down?
“Wala pa. Actually, alam ko, gusto na niya. Pero alam naman niya na meron pa ‘kong gustong gawin. Alam niya, so, understanding naman siya.”

Pinabulaanan din ni Angelika ang balitang hindi pa rin boto ang daddy niya na si Mr. Ernie dela Cruz sa boyfriend.

“That’s not true. Okey sa kanya. For the first time,” natatawa pa niyang sabi. “Alam n’yo si Daddy, ganoon lang siya. Kung puwede lang na huwag akong mag-asawa habambuhay, gagawin niya yun. Pero honestly, okey sa kanya.”

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: