Kapuso network now casting other roles for “Dyesebel”

Kapuso network now casting other roles for

Marimar stars Marian Rivera and Dingdong Dantes will be reunited in the TV adaptation of well-loved comics character Dyesebel.

Ngayon may formal announcement na kung sino ang gaganap na Dyesebel, hinahanapan na ng GMA-7 ang magiging cast of the upcoming primetime soap.

Magsasamang muli ang tambalan nina Marian Rivera (Dyesebel) at Dingdong Dantes (Fredo) in this first television serialization of the classic Mars Ravelo mermaid character based in a comics in the ‘50s. Ito ang magiging next project nila pagkatapos na pagkatapos ng Marimar.

Bale si Marian ang magiging unang Dyesebel sa TV, the same way Edna Luna was the first Dyesebel in the big screen in two successive movies, Dyesebel (1953) and Anak Ni Dyesebel (1964). Although Ara Mina made a special appearance as Dyesebel noon sa Darna ni Angel Locsin.

Ang iba pang mga aktres na gumanap bilang Dyesebel ay sina Vilma Santos (1973), Alma Moreno (1978), Alice Dixson (1990), at Charlene Gonzalez (1996).

Dingdong, meanwhile, is the first TV incarnation of Fredo na unang ginampanan ni Jaime dela Rosa. Other actors who played Fredo in Dyesebel films were Romeo Miranda, Mat Ranillo III, and Matthew Mendoza. Sa 1990 version ng Dyesebel, Fredo’s name was changed to Edward, na ginampanan naman ni Richard Gomez.

Nagpa-final casting na ang GMA-7 for the other memorable characters of Dyesebel. Although may mga pangalan nang nababanggit, hindi pa ito puwedeng mailabas dahil ang iba sa kanila, hindi pa raw kasi nakakausap. So baka magulat sila na mas nauna pa nilang malaman ang balita in print kaysa personal.

Ang ilan sa mga sure co-stars of Marian and Dingdong will be the pair of Aljur Abrenica and Kris Bernal fresh from their Zaido: Pulis Pangkalawakan. Mga tao ang papel nila rito.

Another sure-cast is Jean Garcia na tao rin ang gagampanang papel.

May nai-cast na bilang si Bette, ang ex girlfriend ni Fredo na magiging kalaban ni Dyesebel sa pag-ibig, at ang syokoy na in love naman kay Dyesebel ngunit as mentioned, hindi pa sila puwedeng mapangalanan. Ang tunay raw na wala pang final cast ay ang mga magsisiganap na mga taong dagat na kasama ni Dyesebel from Banak (ang sirena na kumupkop kay Dyesebel) to Diyanga (ang sirenang reyna ng karagatan).

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: