Jennylyn Mercado says breakup with Patrick Garcia is

Jennylyn Mercado says breakup with Patrick Garcia is

It’s final. Patrick Garcia is so out of Jennylyn Mercado’s life. Says she’ll raise her baby on her own. “Final na po ‘yon. Kailangan ko na lang pong tanggapin na wala na akong choice kundi mag-move on at tumayong mag-isa para sa aking baby. Alam ko pong lalabas din ang totoo. Kahit po yung hindi pa ninyo alam, lalabas din po ‘yon,” hints Jennylyn to the press people who interviewed her recently.

Nauna pang dumating sa leading man niyang si Jacky Woo ang buntis ngunit maganda pa ring si Jennylyn Mercado para sa presscon ng Half-Blood Samurai kagabi, February 26, sa Annabel’s restaurant, sa Quezon City. Hindi tulad ng dati na laging nakikitang umiiyak sa mga interview niya sa TV, nakangiti pang bumati si Jennylyn sa entertainment press na dumalo sa presscon ng pelikula ng Forward Films Entertainment, ang Philippine arm ng Japan-based film outfit Forward Group of Japan.

Natawa pa si Jennylyn sa biro ng ilang naroon na nagkamali yata ang OB-Gyne niyang si Dr. Judy Ann Que ng St. Luke’s Medical Center na buntis siya. Hindi kasi halata na three months preggy na ang young actress.

“Pumayat po kasi ako kaya hindi pa po halata ang tiyan ko. Ang napansin ko po, lumaki ang boobs ko sa normal size niya,” birong ganti naman ni Jen. “Mas okey na po ang pakiramdam ko at lahat ng ginagawa ko ngayon, para sa baby ko.

“Thankful nga po ako kay Mr. Jacky Woo dahil naging very understanding siya. Lalo na nung malaman niyang pregnant na pala ako nung nakabalik na siya sa Japan. Nag-sorry rin po ako sa kanya sa nangyari sa first presscon namin noon”

THE FINAL DECISION. “Hindi” ang sagot ni Jen nang tanungin kung payag ba siyang suportahan ng leading man niyang si Jacky sa kanyang pagbubuntis. Kukunin na lang daw niya itong ninong after niyang manganak.

Hindi na rin namin pinalampas na tanungin si Jennylyn tungkol sa kanila ni Patrick Garcia. Final decision na ba talaga niya ang pakikipaghiwalay niya sa ama ng kanyang dinadala?

“Opo, final na po ‘yon,” mabilis niyang tugon. “Kailangan ko na lang pong tanggapin na wala na akong choice kundi ang mag-move on at tumayong mag-isa para sa aking baby. Alam ko pong lalabas din ang totoo. Kahit po yung hindi pa ninyo alam, lalabas din po ‘yon.

“Tama na po ang mga pressures na ibinigay nila sa akin. Totoo po na nag-try at nag-wish po ako na maaayos pa rin ang lahat, pero wala na po talaga. Almost one month na po ‘yong hindi kami nagkakausap nang maayos. Nagkikita na lang kami sa church, kapag nagkakasabay kaming um-attend. Pero pagkatapos po nun, hiwalay na rin kami.

“Noong Valentine’s day, natuwa po ako nang imbitahan niya akong mag-dinner sa Greenhills, pero ganoon lang po ‘yon. Pagkatapos naming mag-dinner, kanya-kanya na kaming uwi. Ni hindi po niya ako inihatid sa bahay.

“Hindi po siya talaga nag-effort na makipag-usap. Alam naman po niya ang bahay ko, ang telepono ko, ang cell phone number ko. Pero ngayon, ayoko na pong maghabol. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang gawin.

“Noon, ayaw po nila akong magsalita kaya tumahimik na ako. Pero after po nung mapanood ko ang interview niya sa The Buzz, nagsalita na po ako uli. Dapat ko namang idepensa ang sarili ko at ang baby ko.

“May doubts pa rin po pala sila tungkol sa baby. Hindi po ba ang pangit pakinggan nung sabi nilang, ‘hintayin na lang ang paglabas ng baby’ kesa mag-‘no comment’ na lang sila? May tanong pa sila kung minsan na, ‘Is the baby still there?’

“Hindi ko po ito ipalalaglag. Bubuhayin ko itong mag-isa. Kaya po tinanggihan ko ‘yong offer nilang education plan daw ng baby. Ano po ‘yon, pagkatapos nila akong sira-siraan, parang batang aalukin nila ako ng candy?”

IT’S MERCADO, NOT GARCIA. Ang surname daw niya ang dadalhin ng baby, hindi kay Patrick. Ano ba ang gusto niyang maging baby at may nakahanda na ba siyang pangalan ng anak niya?

“Kung maaari po sana, gusto ko baby boy. Pero kahit po ano, basta malusog po ang baby, okay na sa akin ‘yon. Kung baby boy, Francisco po ang ipapangalan ko. Sunod sa name ng daddy ni Patrick dahil naipangako ko na ‘yon sa kanya. Nag-iisip pa po ako ng name kung baby girl ang isisilang ko.”

Ipakikita ba niya ang baby niya kung sakali kina Patrick?

“Depende po. Kung gusto nilang makita, ipakikita ko sa kanila. Kung ayaw naman nila, okay lang po sa akin ‘yon,” sagot niya.

Kanino siya humuhugot ng strength ngayon? At paano niya nakakaya ang stress sa mga nangyayari sa kanya?

“Sa family ko po, sa friends ko. Thankful po ako kay Ma’am Wilma Galvante at sa GMA Network, dahil nag-promise silang hindi nila ako pababayaan. Bibigyan pa rin nila ako ng work, kapag nakapanganak na po ako. Meron nga po akong special participation sa Kaputol ng Isang Awit at ilang araw na rin po akong nag-taping.

“Nai-stress lang po ako sa mga nagsusulat ng hindi maganda. Pero wala na po akong magagawa roon. Pakiusap ko na lang po, sana tigilan na nila at maawa naman sila sa magiging baby ko, dahil hindi ko siya pababayaan kahit na ano’ng mangyari,” pakiusap ni Jennylyn.

Nag-promise si Jennylyn na magiging visible na muli siya sa TV sa pagpu-promote ng Half-Blood Samurai. May mall show raw sila sa SM Bicutan sa Sunday, March 2 at 4:00 p.m. May premiere night sila sa Monday, February 3, sa Cinema 10 ng SM Megamall at sa March 5 ang playdate ng movie na nagtatampok din kina Gabby Eigenmann, Paolo Paraiso, Niña Jose, Pocholo Montes, Yoshuke Natsuki, and Rena Komine of Japan. May special participation naman si Cesar Montano.

NORA V. CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: