Boy Abunda talks about his controversial talents and interview with Regine Velasquez

Boy Abunda talks about his controversial talents and interview with Regine Velasquez

TV host and talent manager Boy Abunda shares to PEP readers his thoughs about his controversial talents, Gretchen Barretto and Mariel Rodriguez, and his recent interview with Regine Velasquez that drew varied reactions from the viewers.

Ipinarating ni Grethcen Barretto, through her manager and friend na si Boy Abunda, na tinanggap na niya ang apology ng Entertainment Live! na ipinalabas sa The Buzz last Sunday, February 24.

Bago magsimula ang The Buzz, nakausap na ni Boy si Gretchen and supposed to be ay sasabihin ‘yon ni Boy sa programa pagkatapos ipalabas ang VTR ng pagwu-walkout ni Gretchen sa Entertainment Live. Pero hindi ito nasabi ni Boy.

“Hindi ko nasabi dahil nawalan na ng oras sa dami ng bati namin. Sasabihin ko sana na ipinararating ni Gretchen at ako na tinatanggap niya ang apology. Siya nga ito na ang dami-daming kasalanang nagawa sa sambayanang Pilipino, napapatawad siya paulit-ulit. Ang E Live pa kaya?” paliwanag ni Boy nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy ng TV host-talent manager, “Magge-guest ulit siya [Gretchen] diyan [Entertainment Live], pero hindi naman ‘yan na ipangangalandakan namin next week. Nasaktan siya at sinasabi ng E Live! na sila’y nagpapakumbaba at nagpapaumanhin, tinatanggap niya.”

Dahil kaibigan din ni Gretchen si Boy, sang-ayon ba siya sa sinabi ni Nadia Montenegro na mabuting kaibigan, pero masamang kaaway ang controversial actress?

“Kung para sa akin, si Gretchen ay mabuting kabigan,” sagot ni Boy. “Kasabihan kasi ‘yan, e. Ang mabuting kaibigan daw ay masamang kaaway. Hindi ko alam dahil hindi ko pa nakakaaway si Gretchen at hindi ko pinapangarap at hindi kami mag-aaway.

“But I tell you something… This much I can say about Gretchen, she’s a very good friend and she’s a seasoned warrior. Ayoko kasing gamitin ang masamang kaaway. Ang isang seasoned warrior ay hindi nagpapagod sa isang laban na makakabawas ng energy at saka ng lakas na puwede mong gamitin sa ibang laban, na puwede mong gamitin ang lakas na ‘yon. Para sa akin, pinipili ang laban.”

MARIEL RODRIGUEZ. Kontrobersiyal din ang isa pang alaga ni Boy na si Mariel Rodriguez na umamin na diumano sa relasyon nila ni Zanjoe Marudo. Ano ang masasabi ni Boy tungkol dito?

“Hindi, ganito… Doon sa aking interview, lalabas ito… Hindi ako magpapapaka-plastic. Naba-bother ako doon sa katahimikan ni Zanjoe for the longest time. Ilang beses ko nang sinabi na, ‘Mariel, sana kung meron man kayong relasyon… And I don’t care if you have or if you don’t have, I will be happy kung sino ang mahalin mo… Pero kung meron man,’ sabi ko, ‘sana nga unang magsalita si Zanjoe kasi magmumukha naman tayong kaawa-awa kung tayo ang nangangalandakan kung may relasyon kayo o wala.’

“But sa Boy & Kris, meron akong interview with Zanjoe. Natuwa naman ako. Kasi nung tinanong siya ni Carlo [Guevara], nung Be Bench winner, there’s a portion na pinag-usap ko sila. We provided them with a question na parang kung sino ang matatalo sa game, itanong mo, ‘Mahal mo ba si Mariel?’ Sinagot naman niya [Zanjoe] nang diretso. ‘Oo,’ pero may ‘naman.’

“Tanong naman ni Zanjoe kay Carlo, ‘Kung meron kang babaeng gustong ligawan sa showbiz, sino? Huwag lang si Mariel, huh?’ Kung yun ay mga indication ng dahan-dahang pagtanggap at pag-amin ni Zanjoe na mahal niya si Mariel, maraming salamat. Yung katahimikan niya at istilo bilang lalaki, iginagalang ko ‘yan. Iginagalang ko ‘yan, pero hindi ko gusto ‘yan.

“Oo, I mean, klaro tayo, protective din ako siyempre, hindi lang sa talent kahit pati sa kaibigan. Yun para bagang nanghuhula ang buong mundo. Ikaw ang halakhak nang halakhak at akala mo mahal na mahal ka, pero nangunguna na hindi pala.

“Alam mo si Mariel, kilig na kilig minsan. Pinadalhan ng bulaklak, yun pala pinadalhan ang buong mundo. Alam mo, that’s very Mariel, di ba? Si Zanjoe naman, non-committal. Inuulit ko yung kanyang istilo sa pagharap sa mga tanong iginagalang ko, pero hindi ko type,” mariing sabi ni Boy.

REGINE VELASQUEZ.
Sa interview ni Boy kay Regine Velasquez sa The Buzz last Sunday, February 24, samu’t sari ang naging reaksiyon ng mga manonood. Kaya kinuha namin ang panig ni Boy tungkol dito.

“Napakahirap ng pag-uusap na ‘yon dahil bisita namin siya [Regine] sa Buzz,” panimula ni Boy. “Napakahirap ng pag-uusap na ‘yon dahil kulang ang kalaaman ko sa detalye ng mga naganap. Doon halimbawa sa sinabi niyang ‘na-hurt ako dahil idini-deny ng ABS-CBN na in-offer-an ako.’ Ang nasabi ko lamang ay ‘I honor and I respect your statement kasi hindi naman ako privy doon sa inyong pag-uusap, pero manghuhula ako.’

“Ang idine-deny ng ABS-CBN ay ang offer na P25 million. Ang idine-deny ng Channel 2 ay pina-pirate ka. Ang idine-deny ng Channel 2 ay ang nagpadala ng feeler. Kasi yung feeler naman na sinasabi ni Regine, na tama rin naman siya, hindi ko alam kung ano’ng nagpadala ng feeler. But I also appreciate her honesty, na parang, ‘Nagparamdam ako na gusto ko talaga yung proyekto. Pagpapadala ba ‘yon ng feeler? So be it kung pagpapadala ‘yon.’

“At kahit mahirap yung pag-uusap na ‘yon, na-appreciate ko naman na dumating siya dito sa The Buzz at buong tapang na nagpaliwanag at sinagot. Pero napaka-uncomfortable lang, e. Siyempre, you have to treat a guest well, e. Hindi ka puwedeng magtanong ng ilang mga bagay na makakasakit sa kanya dahil bisita mo, di ba?

“Tanong halimbawa, there’s this whole monologue na ‘Maraming salamat sa Channel 7 dahil inaalagaan nila ako. Wala naman talaga akong masasabi…’ Ganun. The logical question of any good interviewer, ‘Kung inaalagaan ka, bakit wala kang trabaho?’ But how can I say that on air without embarrassing my guest? Siyempre, pinipigilan ko ang sarili ko dahil Regine deserves respect.

“In-appreciate ko yung kanyang pagpunta sa The Buzz. At na-appreciate ko ang tapang niya na, ‘Siyempre, nasasaktan ako and I take it to mean na hindi na intersado ang Channel 2 sa akin dahil idine-deny nila na in-offer ako.’

“Hindi ako magdudunung-dunungan, mag-statement on behalf of Channel 2, pero nanghina ako siyempre doon dahil hindi ko alam. Kaya sinabi ko na lang na, ‘Iginagalang ko ang mga sinabi mo.’

“Ano pa bang puwede naming pag-usapan doon? Maganda ang mangalikot doon. ‘Sino ba ang mga kausap mo na taga-Channel 2?’ But of course, I have to respect. Hindi na ako puwedeng mangulit kasi sinabi na nga niya na, ‘Kaya nga ako nagpaalam sa 7 because seryoso ako sa interes sa Betty La Fea.’ Pero I like her when she said, ‘Oo, ako ang nagsabi na inerersado ako and then the offer came.’ Pero wala talagang offer ng P25 million.

“Ang nabuo sa akin doon sa interview, kung lilipat ba siya o hindi… There’s so much uncertainty. Palagay ko, she’s a major artist. I don’t think dapat pakawalan siya ng Channel 7. To me, huh. I maybe wrong, huh. She’s a major star. She’s a major artist. Ang basa ko, wala pang mga desisyon,” pag-aanalisa ni Boy.

Sa tingin ba ni Boy ay naging segurista lang si Regine sa naging mga aksiyon niya?

“Pero ako, hindi ko siya masisisi,” sabi ni Boy. “Bawat malaking artista, dapat segurista kasi pinaghirapan mo kung sino ka man. Hindi ka puwedeng maglaro ng sobra. Dapat segurista ka sa mga moves mo, e.

“Manager ako, e. I mean, I deal with big stars. Kung big star ka, dapat huwag na tayong magpaka-palstic, dapat marunong kang mag-negotiate. Dapat marunong kang kumilos sa industriya.”

At hindi dapat mamangka sa dalawang ilog?

“Hindi naman mamangka,” paglilinaw ni Boy. “Pero dapat marunong ka kung ano ang halaga mo sa industriya. Dapat alam mo kung ano ang presyo mo. Dapat alam mo kung saan ka tatayo at dapat alam mo what you deserve. Dahil minsan, kahit you deserve something big, hindi ibinibigay sa ‘yo dahil hindi mo hinihingi. May mga pagkakataon na ipinapalaam mo na ‘eto ako and it doesn’t only apply to Regine. It applies to all. Kaya nga may stars at starlets.”

Tama lang ba na magpa-presyo o magpahabol si Regine?

“Eto ang totoong alam ko, the little that I know, money had nothing to do with it. Even yung kanyang interes sa Betty La Fea, hindi nagpresyo si Regine. I can be totally corrected, pero alam ko pera was never an issue. May mga bagay lang around the deal na hindi magawa. Kung ano, hindi ko alam.

“Siyempre, kapag may deal ka, hindi lang naman isa, e. Ako, halimbawa lilipat sa isang channel, hindi ako papayag na yun lang. Ano pa ang iba? Gaano katagal? May mga bagay na ganun.

“Halimbawa ako, umalis ako ng Channel 7, ang isa sa mga hiniling ko sa Dos for the longest time, for five years yata or seven years, na sana huwag ninyo ako bigyan ng palabas na katapat ng StarTalk. Yun ang mga hiniling ko at hindi ko ginawa,” pagtatapos ni Boy.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: