Tulad ng spaghetting pababa nang pababa!

Ano ba naman ‘yang Papa Piolo ko, pinatunayan na naman niya once again na no matter what, hindi tala­ga niya kayang magdala ng isang teleserye minus a bankable star! Balitang pati na ang Papa Gabby ko ay sad and disappointed sa total tally ng tatlong bigating primetime bida nilang hindi kinayang hambalusin ang kalaban at sa halip ay sila ang pinadapa na dapang-dapa at wala nang mga mukhang ihaharap maski na sa mga Chinese sa Ongpin kesehodang sumakay pa sila sa karosa, ‘noh?!

Buti na lang at nasagip ng mga bata ang Kungfu Kids na kahit papaano ay lumalaban nang pukpukan sa kalaban at isang kindat lang ang lamang ng kalaban.

Hindi na kami magla­lagay rito ng matinong suggestions dahil nasasayang lang naman. Si­guro, mas gusto ng mga kinauukulan that I heckle them instead para may maisumbong sila sa Papa Gabby ko.

But my Papa Gabby knows and he is wise enough to understand that his batallion of think-tankers eh sadyang kina­lawang na at wala na silang wise moves na magawa.

Hindi talaga sila dapat maglaro ng chess dahil first move pa lang eh ‘mate’ na agad!

Kung inumpisahan sana ang Lobo na sina Angel at Piolo kaagad ang bumungad at saka na lang inilagay ang flashback nung mga bata pa sila and how they were sired by imported dogs, baka naiba ang resulta.

But that is dirty water under the Pasig River na. Hindi na mareremedyuhan pa ngayon ‘yang kapalpakang ‘yan!

Buti nga sa kanila, basa nang basa ng columns ko, hindi naman pala nila maintindihan the point I am driving at.

Hindi kaya ni Piolo Pascual ang magdala ng solo teleserye as I have constantly written over and over again — like Buttercup and Mangarap Ka.

They come in threes — hayan ang pangatlo — Lobo — o Loko?

Gosh! As days go by, lalong bumababa ang ratings. Maitatanong tuloy namin, sino kaya ang naimbudo: ang televiewers o ang gumagawa ng ratings?

Suspetsa ko, both. Parang lalong naimbudo ang gumagawa ng ratings dahil mula nu’ng magkaroon ng mga demandahan eh lalong bumaba ang mababa nang ratings nila.

Pati televiewers eh umiwas na rin yatang sindihan pa ang mga TV set nila mula nu’ng matapos ang Ysabella.

At kung bukas man ang mga TV set nila, text sa akin ng mga Juday-followers, sa Marimar daw muna sila!

O, heto na naman ang papayuhan naming si Martin Nievera – don’t you think he looks stupid now? (Remember, Martin — what comes around goes around?)

Alam naming hindi rin susunod si Martin sa payo namin dahil likas na matigas ang ulo nito.

My advice to Martin: baguhin mo na ang theme song ng Lobo.

Instead na ‘yun ang kinakanta mo eh gawin mo nang ‘Spaghetti’ dahil “spaghetting pababa nang pababa” — ay teka, mas mabuti siguro kung si Bayani Agbayani na lang ang kunin kong kumanta ng theme song — mas mura pa siguro!

Kailangan ni Bayani ngayon ang raket. Kawawa naman, kinarnap ang sasakyan niya!

Hoy, mga bata! Lobo kayo riyan! Lobo. Lobooooo!!!!

Ay, pumutok? Hindi pa naman nakalilipad, ah?! Binombahan n’yo ba ng hangin ‘yung lobo, John-john? Ay, napasobra siguro ang ihip n’yo!

Kaya hayan, ibang ulo tuloy ang mga lumobo. Akala nila, sikat na sila minus Judy Ann Santos, ‘noh?! Hahahaha!!!!

ALFIE LORENZO
Abante Tonite

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: