Regine Velasquez will not leave GMA-7 and Ogie Alcasid

Regine Velasquez will not leave GMA-7 and Ogie Alcasid

A PEP source stresses that Regine Velasquez will not transfer to the Kapamilya Network despite her appearances in Maaalala Mo Kaya and Sharon.

Asia’s Songbird will stay with GMA-7 and Ogie Alcasid definitely has a say about his girlfriend’s career.

Nabasa ng isang malapit na tao kay Regine Velasquez ang follow-up item sa una naming sinulat dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa paglipat daw ni Regine sa ABS-CBN from GMA-7. Sa follow-up news, tila itinatago pa raw ng kampo ni Regine ang napipintong paglipat nito sa ABS-CBN at kahit si Ogie ay walang alam at walang pakialam sa desisyon niya.

Nagsimula ang balita nang pumayag si Regine na mag-guest muli sa drama anthology ng ABS-CBN na Maaalala Mo Kaya (MMK) at ang planong U.S. concert nito na ii-sponsor ng TFC (The Filipino Channel). As an update, pumayag ding mag-guest muli ni Regine sa show ni Sharon Cuneta na Sharon bukas ng gabi, February 10.

Wala raw katotohanan na lilipat si Regine sa ABS-CBN, sabi ng aming source na technically ay part of Regine’s camp.

Kung magge-guest man daw si Regine both sa MMK and Sharon, dati na niya itong nagagawa.

Stress ng aming source, may pakialam daw talaga si Ogie sa career ni Regine at hinding-hindi mag-iiwanan ang dalawa after what they’ve gone through.

Ang pinakaimportanteng point, kung gusto raw lumipat ni Regine sa ABS-CBN, noon pa raw sana dahil napakatagal nang may standing offer ang ABS-CBN kay Regine to move from GMA-7.

Dati, may usap-usapan pa nga that Regine is being offered an office of her own sa kagagawa pa lang noon na ELJ Building ng ABS-CBN compound. The offer was confirmed but not the office.

Natawa na lang ang kausap namin sa mga words used ng isang source sa naturang PEP article na balak ng ABS-CBN na “durugin” ang variety show ng GMA-7 na SOP. Maybe it has something to do with the fact na kung ilang linggo nang pinadadapa ng SOP ang katapat nitong ASAP ‘08 kaya raw nagamit ang salitang “dudurugin.”

Wala naman daw yatang balak magsalita o sumagot si Regine about this issue, pero dahil malaki na nga ang tsismis, baka isang araw, mapilitan din ang Songbird na magsalita to clear this up.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: