Palmolive Palma discloses juicy details about her past with Will Devaughn

Palmolive Palma discloses juicy details about her past with Will Devaughn

Palmolive Palma dismisses Will Devaughn’s explanation that all they had was a one-night stand. The member of the Baywalk Bodies pointed out that she and Will often slept together.

Nagbalik ang Baywalk Bodies sa Roxas Boulevard kahapon, February 8, bilang pag-alala sa

kontrobersyal na paghuhubad nila noon sa Manila four years ago. This time, may mga bagong members na nadagdag sa original Baywalk Bodies. Ang naturang event ay para na rin sa nalalapit na Valentine concert ng grupo kasama ang Cueshe sa February 13 sa Bagaberde.

“Pumunta lang kami ulit after three years and a half [upang ipakita] na ‘pag may damit pala iba pala ang feelings in front of everybody. Hindi sila nagkagulo tulad noon na paghubad namin halos lahat ng tao mamatay-matay na,” bungad ng isa sa original members ng Baywalk Bodies na si Palmolive Palma.

Thankful pa rin daw siya sa ginawa nila noon sa Baywalk. Naging malaking tulong din daw yun sa kanila para lubos na makilala ng mga tao.

“Hindi na kami naghubad ngayon. Tapos na yun, e. At hindi na namin gagawin yun. Pero nandun pa rin yung pinagsisihan ko kasi kumuha ako ng NBI nung isang araw, naka-pending ang NBI ko. I felt so bad kasi akala ko biru-biro lang yun. Seryoso pala yun.”

Nag-reflect daw sa NBI clearance niya ang isinampang reklamo noon sa kanila ng dating mayor ng Maynila na si Lito Atienza.

“E, kailangan kong kumuha ng NBI clearance dahil aalis ako. So, parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.

“Kailangan ko raw magpunta sa main office ng NBI for interview. Parang may interview bago ko, e, advise ng Uncle kong pulis huwag ka ng pumunta doon [NBI]. ‘Eto lang naman ang kasong nagawa ko. Mabait naman ako, e.

“Hindi ko nakita kung anong eksaktong nakalagay sa record kasi yun ang sabi. Kailangan ko ng interview for NBI. Ayoko naman kasi baka bigla akong hulihin, posasan.”

So hindi pa siya makakaalis ng bansa dahil sa kasong ito?

“Hindi pa, gagawa pa ako ng kung ano kung paano ako makakakuha ng NBI. Hindi ko pa alam kung paano.”

Bakit siya aalis ng bansa? “Kasi, remember that I broke up with my Japanese boyfriend because of the sex video scandal so, isu-surprise ko ang boyfriend ko sa Japan. I have a family visa naman. Meron kasing requirement na I need NBI to get the visa so, nahirapan ako.

“Tinawagan ko siya. Tapos sabi niya, ‘If you really love me let’s forget about it. Come and visit me.’ Yun nga ang plano ko. I’m worried that baka hindi ako makakuha ng NBI.”

Kinumusta rin namin si Palmolive kung nagkita na sila ng former Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 housemate na si Will Devaughn na nakunang kasama niya di umano sa isang sex video.

“Hindi pa kami nag-uusap but I saw him last three weeks ago sa Embassy but I’m not ready to talk to him yet.”

Galit pa rin ba siya kay Will? “Hindi naman but I felt bad kasi yung may interview siya.

Yes, inamin naman niya pero may sinabi siya na lasing ako noon. Then, meron siyang ‘Hahaha!’ Tawa pa. Parang nainsulto ako doon, e. O, porke sikat ka na nakakalimot ka na?’

Gusto raw makakuha ni Will ng kopya ng sex video nila. Anong masasabi niya tungkol dito? “Nasa kanya. Bakit kailangan pa niyang maghanap, e, may copy siya? Kung meron lang akong copy ngayon ipapakita ko sa kanya.

“May kopya siya dahil dalawa kaming kumuha noon, e. Yung phone ko ninakaw kaya nawala yung kopya ko.”

Isa rin daw sa unang hahanapin ni Will paglabas niya ng PBB house ang number ni Palmolive.

“Talaga? Kaya pala nagkita kaming dalawa deadma siya kasi sikat na siya.”

Feeling ba niya nagamit siya ng todo ni Will? “Hindi ko naman naramdaman na nagamit ako. Sa akin naman okay lang yung nangyari sa amin kaso huwag na sana siyang parang lasing lang ako, tawa-tawa pa siya. Nang-iinsulto ka ba?

“Mabuti sana kung yung nangyari sa amin one-night stand lang?”

Ilang gabi ba sila nagkasama ni Will? “Hindi na,” tanggi ni Palmolive. “Yun lang nainis lang ako sa interbyu pero okay lang kasi inamin naman niya. At least, hindi ako nagsisinungaling. Kasi sabi ng mga reporters dati gawa-gawa lang kami ng isyu ‘di ba?”

More than ten times daw sila nagkasiping ni Will. “Yes, madalas. Naging friend ko siya, e, Hinahatid ko siya sa condo niya. Wala pa siyang sasakyan dati, ‘di ba? Kaya paano mo sasabihing one-night stand lang?”

Paano niya tatawagin ang relasyon nila ni Will? “Wala, f*ck buddy,” sabi ni Palmolive sabay tawa.

“Meron akong fiancée that time. Kaya karma…ang bilis ng karma ‘no? Kaya yun nga yung surpresa ko uuwi ako sa Japan.

“Nadiskubre nung fiancée ko ang tungkol sa sex video namin ni Will through the Internet. Matagal na yun, e. A year ago pa. Lumabas ang video nung sikat na si Will, nasa PBB na siya. Doon nakita ng fiancée ko kasi mahilig yun mag-browse sa internet.”

Ilang buwan sila ni Will? “One year din kaming magkakilala ni Will. But kami ni Will, hi- hello. If I need somebody, yun.”

Siya ba ang tumatawag kay Will?

“Pareho kami nagte-text. Kapag nagkikita kami, ‘Uy, ano.’ ‘Pag gusto namin, so, ganun. So, maraming beses nga. Basta hindi masasabi na one-night stand.

“Hindi naman kami nagreregaluhan sa isa’t isa. Basta f*ck buddy lang. We called that f*ck buddy. Alam din niya ‘yan. Diretsuhan na lang kami ngayon,” diin ni Palmolive.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: