Regine at Rachel nag-plastikan

Agad tumawag sa amin ang isang kaibigang nakapanood ng duet nina Regine Velasquez at Rachel Alejandro sa SOP last Sunday. Na-plastikan ang friend namin kay Rachel, dahil naalala nitong nang mag-guest ito sa controversial radio show ni Mo Twister, si Regine ang binanggit na worst female singer, tapos nakipag-duet siya. Ibig ba raw sabihin, worst duet ang kanilang ginawa?

Either hindi nakarating kay Regine ang sinabi ni Rachel, kinalimutan nito o dinedma na lang, dahil parang wala lang habang kumakanta sila ni Rachel. Ang gustong malaman ng friend namin ay kung nagbatian man lang ang dalawa sa backstage o dedma rin.

Samantala, tototo pala ang sinabi ni Ogie Alcasid na pumayat na si Regine, dahil payat-payatan nga ito last Sunday. Mas pumayat pa raw itong tingnan sa very short hair. “Ang seksi niya ngayon,” sabi pa ni Ogie sa presscon ng My Funny Valentine.

Ipinagmalaki rin ni Ogie na si Regine ang sumulat ng story ng Love Is Deaf…and Blind na gagawin nila sa GMA Films at si Aloy Adlawan ang sumulat ng script. Puwede na raw nilang gawin ang pelikula’t, wala nang masyadong nega sa pag-amin nila sa kanilang relasyon.

NITZ MIRALLES
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: