Piolo, daig si Angel sa ngalngal

Nag-OA na naman ang namamahala ng mga primetime teleserye ng Dos. It seems deadset sila na padapain sa ratings ang GMA-7 na kapansin-pansin na nagsimula lang ang usapin sa ‘dayaan’ kuno sa ratings nu’ng hindi man lang umangat bagkus ay nangulelat pa sa ratings ang Maging Sino Ka Man.

Biruin mo nga namang si Lino Brocka na lang ang kulang sa cast ng Maging Sino Ka Man pero hindi man lang makapanggulat ang ratings nito gabi-gabi.

Ang tatlong binildap na stars kasi ni Brocka na sina Christopher what-ever-his-name-is, Ipe Salvador and Bembol Roco, kasama sa cast ni Rosanna Roces at ng tatlong ‘bigating’ loveteams nina John Lloyd Cruz-Bea Alonzo, Sam Milby-Anne Curtis at Derek Ramsay-Angelica Panganiban, iniisnab ng televiewers gabi-gabi! How ironic naman, debah?

So, para hindi mapahiya sa Papa Gabby (Lopez) ko ang mga nagbibida-bida sa akala mo eh team na kayang magpatumba sa Kamandag, Zaido at Marimar, hindi kaya ang sumbong nila sa Papa Gabby ko eh, “Sir, dinadaya po tayo sa ratings”?

Para nga maligtas sila sa pagtatanong ng Papa Gabby ko kung bakit despite the big cast and the millions of pesos put into the making of Maging Sino Ka Man, iniisnab pa rin ito ng televiewers?

Nu’ng una ay nagkamali na ang plugging. On-air na ang Maging Sino Ka Man eh isinama pa sa pina-plug na tatlong bagong teleserye.

Inilaglag iyon kaya ang natira ay ang plugging oras-oras, pati na sa Teleradyo ng DZMM ay nanduon ang OA na plugging for Kung Fu Kids, Palos at Bolo, este Lobo pala!

Kung ginawa pa sigurong Bolo ang title ng ASONG PUTI eh baka mataga ang kalaban kung ihahasa nila nang husto ang talim ng bolo, debah naman?

Ang OA na blurb ng Lobo (“Hoy, lobo kayo riyan! Lobo! Lobo!” Tinda kaya ‘yan sa Quiapo na setting ng another Piolo Pascual non-rater na Mangarap Ka — na naging bangungot!), “ang pinakaaabangang teleserye ng taon!” –matuk n’yo ‘yun?

Bakit aabangan? Sino ang nag-aabang?

Baka ako lang siguro ang nakaabang dahil sa Papa Piolo ko na watch ko kung tama ‘yung mga nagmamagaling na kayang-kaya ng Papa Piolo ko ang magsolo na at kaya na ring magdala ng kapartner at mapasikat!

That never happened to Papa Piolo’s leading ladies of one film each: Janna Victoria, Joyce Jimenez, Donita Rose na pawang nagsipagretiro na sa paggawa ng pelikula!

‘Yung papasikat pa lang na younger sister ni Juday sa Sa Puso Ko Iingatan Ka na si Angelica Panganiban eh itinambal na kina Piolo (sa Mangarap Ka) at Jericho Rosales (sa Santa-Santita) pero naudlot pa ang pagsikat kaya ang ending ng poor Angelica ay pasa-pasa from one lover to another kuno.

Debah, may Carlo Aquino siya nu’ng bata pa at sinundan ng sino-pa-ba- na ang latest ay itong si Derek Ramsay na gusto naman ng fans eh kay Juday ma-identify like my Papa Piolo?

Ewan ko naman kung bakit may negative effect na bitbit itong si Angel Locsin. Angel pa naman ang pangalan niya, kung bakit hindi siya makapagmilagro like the true Angels of God!

Nu’ng lisanin ni Angel ang network na nagpasikat sa kanya, sampu ng movie outfit (Regal Films) na nagbigay ng pangalan sa kanya mula sa pagiging ‘biyuda’ lang ng namatay sa aksienteng si Mico Sotto, and third na nilisan niya ay ang boypren niya after Mico na si Oyo Sotto na pinsan ng namatay na anak ni Ali Sotto. Indeed they come in threes, huh!

‘Yun ba ang pinakaaabangan sa teleserye?

Ang nakatatawa pa ay ang ibinigay na role kay Angel Locsin. Sexy at sariwa ang Angel. Akalain mong gawing ASO.

Yes, Jun Nardo, tama ka… ASO — dahil walang wolf sa Pilipinas except Andrew Wolff na hindi rin sumikat-sikat. Si Angel na sumikat sa GMA-7 bilang ang pinakaseksing (?) Darna kaya nagkaroon ng tumpok ng kalalakihan na nagpantasya sa kakapiranggot na costume niya eh i-turn-off ba naman ang 90%, kasi nga, ginawang ASO!

Kahit na gaano pa kaseksi ang isang babae, pagpapantasyahan mo pa ba kung alam mong ito eh isang babaeng ASO lang?

Syempre, mawawalan ng libog ang kalalakihan. Kasi nga, how do you make love to a dog — na sabi ng isang taga-Dos, “Eh di dog style” — whatever that means!

Kung nag-gather siguro kami ng signatures hanggang sa Amerika, tiyak na aabot sa tatlong milyon ang ayaw sa ibinigay na role kay Angel.

They have lessened her sex appeal. No matter how pure white the dog’s color is.

Heto pa ang nakatatawa. Ang role daw ng Papa Piolo ko ay isang PMA grad. Sundalo ang role tulad ng ginawa ni Rustom Padilla sa Mistah na superlaki ang hawak na baril. Sundalo ang Piolo. Pero kung makaiyak eh daig pa si Angel Locsin sa ngalngal.

Mistulang isang ba­tang paslit na missed na missed ang ina at ang bote ng dede.

Gosh! PMA grad ang role, tapos eh iyakin?

Pwede namang umiyak ang isang lalake na jaws lang ang pagagalawin, ah!

How can you imagine Senator Trillanes making ngalngal ala-Piolo? ‘Kakatawa sigurado, debah, Jun Nardo?

Well, mamayang gabi na ang simula ng tatlong super-to-the-max promoted primetime bidas: Kung Fu Kids, Lobo at Palos.

And our wild guess is — Kung Fu Kids ang magiging kampeon sa tatlo. Dahil pati si Cesar Montano eh may negative image din ngayon for Palos, debah, SHINE?

Please naman, watch n’yo mamayang gabi at ABSTAIN muna tayo sa panonood ng Kamandag, Zaido at Marimar for one day lang naman and let us focus our interest, if not curiosity, sa bagong pakulo na naman ng mga nagmamarunong na grupo, ‘noh!

Well, good luck — if you so need one!

Balitaan n’yo na lang ako pag ‘dinaya’ na naman kayo, huh!

ALFIE LORENZO
Abante Tonite

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: