Matinding pressure kay Angel Locsin

NANG magkaroon ng formal announcement kung kailan ipalalabas ang serye ni Angel Locsin na Lobo sa ABS-CBN, isa lang ang tanong ng mga tao. Malampasan kaya ng ratings ng kanyang serye ang rating ng show ni Marian Rivera?

Hindi man maging head on ang labanan nilang dalawa, hindi man sila tuwirang magkasabay ng show, isang katotohanan na kailangang malampasan niya ang ratings ng show ni Marian para ma-sabing okey siya at hindi nasayang ang paghihintay niya ng limang buwan bago nagkaroon ng bagong serye.

Kung sakali man at magkaroon ng mataas na ratings ang Lobo, hanggang hindi siya ang nagiging number one sa prime time, bale wala pa rin iyon.

Kasi noong lumipat sa ABS-CBN si Angel, ang ina-asahan nila ay mapipilay nang husto ang nilayasan niyang network. Kaso, hindi nangyari ang ganoon at ipinagmamalaki pa nga ngayon na nakatuklas sila ng isang star na lumalabas na mas malakas pa kaysa kay Angel.

Kasi nga hindi naman nag-rating nang ganoon kataas ang mga serye ni Angel sa kanila noong araw.

Medyo matindi lamang ang serye ni Angel noong ang kasama niya ay si Richard Gutierrez.

Ngayong sinasabing mas natuto na siyang umarte kesa noong araw, dapat matalo niya sa ra-tings si Ma-rian Rivera. Tandaan ninyo, kung hindi mang-yayari iyan ang sasabi-hing tiyak ng mga tao ay laos na si Angel.

Ganoon naman kasi ri-to sa atin, eh. Noong araw, nagreyna-reynahan siya sa kabila. Noong umalis si-ya, nakakuha sila ng mas matinding reyna.

Kailangan ngayon ay mapatunayan niya na si-ya ang mas malaking rey-na dahil kung hindi, ewan na lang kung anong mang-yayari.

ED DE LEON

  • Journal Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: