Katrina Halili visits golden gays in Pasay

Katrina Halili visits golden gays in Pasay

Young sexy actress Katrina Halili held a post-birthday celebration at Home of the Golden Gays in Pasay City last Saturday, January 26. “Grabe, kasi halos lahat ng nag-aalaga sa akin mga bading, kaya sobrang malapit ang puso ko sa kanila,” says Katrina.

Napaluha si Katrina Halili nang bisitahin niya ang Home of the Golden Gays sa Pasay City noong Sabado, January 26. Sobra raw kasing na-touch ang young sexy star dahil sa mga komento ng mga golden gays.

“Masaya lang ako na nakapagpasaya ako ng tao. Alam ko kasi na natutuwa sila nang dalawin ko sila. Sabi pa nga nila na ngayon lang daw dumating ang Pasko nila…” hindi na natapos ni Katrina ang pagsasalita sabay tulo ng luha.

“Grabe, kasi halos lahat ng nag-aalaga sa akin mga bading, kaya sobrang malapit ang puso ko sa kanila,” pahabol ng dalaga nang mahimasmasan na siya.

Lahat ng naroon ay nagpahayag ng suporta kay Katrina. Bihira lang daw kasi ang may makaalala sa kanila ng ganun.

“Dati kasi, may isang sikat na artista na nangako na pupunta, pero hindi naman tinupad. Ngayon dumating si Katrina, alam naman natin kung gaano siya kasikat ngayon. Nangako rin siya na tutulong, walang problema daw. Basta raw para sa kanya, may pitak sa puso niya ang mga bading. Siya na ang reyna ng mga bading ngayon para sa amin,” ayon kay dating Pasay City Councilor Justo Justo.

Bale post-birthday party raw ni Katrina ito. Matagal na raw niyang gustong bisitahin ang mga golden gays, pero wala lang siyang oras na gawin ito.

Tulad ng ibang birthday celebrations niya, nagkaroon ng kainan at entertainment. Isa-isang nag-perform ang golden gays para sa ikasisiya ni Katrina.

“Alam ko, mapupuspos ng biyaya si Katrina dahil maraming hindi nakakaalam kung gaano kalaki ang kanyang puso,” ayon sa isang golden gay na naroon.

Samantala, nakatakda namang magkaroon ng isang sexy fashion show si Katrina sa mismong araw ng mga puso, February 14, na gaganapin sa Serve—ang disco bar na pag-aari nina Cristine Reyes at Mark Herrras sa Araneta Coliseum.

Sa nasabing fashion show, pawang mga revealing lingerie at swimsuit ang kanyang isusuot. Patikim daw ito sa bagong intimate apparel line na ilu-launch ng young sexy star. Makikita raw ang sample ng mga ito sa cover ng February 2008 issue ng FHM Magazine.

NELSON CANLAS
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: