Jennylyn Mercado no-show at her own presscon allegedly because of Patrick

Jennylyn Mercado no-show at her own presscon allegedly because of Patrick

Young actress Jennylyn Mercado failed to show up at the presscon of her latest movie with Japanese actor Jacky Woo titled Half Blood Samurai. According to Jennylyn’s mother, Mrs. Lydia Mercado, it was Patrick Garcia who prevented the young actress from attending the presscon. Jennylyn is now pregnant with Patrick’s child.

Hindi dumating si Jennylyn Mercado sa first presscon ng kanyang last movie bago siya manganak, ang Half Blood Samurai, dahil diumano sa kanyang boyfriend na si Patrick Garcia.

“Disappointed” ang paulit-ulit na pananalita ni Sonny Maculada, OIC ng Forward Films na siyang may gawa ng pelikula ng Japanese action star Jacky Woo at Jennylyn na ipalalabas sa March 5.

May pinirmahan na kontrata si Jennylyn sa Forward Films na kailangang puntahan niyang lahat ng presscon for this movie. Bago nagsimula ang presscon ng Half Blood Samurai kagabi, January 27, sa isang Japanese restaurant sa Ortigas, in-assure ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila—pati na rin ang ina-inahan nito na si Mrs. Lydia Mercado at ang handler niya—na darating si Jennylyn sa presscon. Manggagaling daw siya sa isang show sa Laguna.

Alas-sais ng gabi ang call time ng presscon and by 7:30 p.m., dahil nasa Ayala na raw ang sasakyan ni Jennylyn, minabuting mag-start na ang presscon bago siya dumating dahil pinaghihintay na rin ang star, producer, at director ng pelikula na si Jacky Woo.

Natapos ang general question-and-answer portion, individual interview na ang ginagawa ni Jacky, wala pa rin si Jennylyn. Ang last message, nasa Mandaluyong na raw ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor.

After another hour, nagsimula nang ma-disappoint si Sonny at ipinapaalala nga sa mga natirang entertainment press na may kontrata si Jennylyn para siputin ang mga presscon ng Half Blood Samurai.

Wala na ang lahat ng press nang dumating ang ina-inahan ni Jennylyn na si Mommy Lydia, nagpupuyos daw sa galit according sa mga natirang production staff ng Forward Films at hiyang-hiya sa production dahil sa pambibitin ni Jennylyn.

Totoo raw na nasa Mandaluyong na si Jennylyn the time they said so, ngunit sa isang gas station ay dumating daw si Patrick lulan ng kanyang sasakyan at pilit na hinarang si Jennylyn. Ayon sa kuwento ng ina-inahan, pinagmumura raw nito si Patrick para hindi isama ang kanyang anak-anakan ngunit wala silang nagawa.

Sa presscon venue, tumawag daw si Mommy Lydia at sa harap ni Sonny, pinagmumura si Patrick dahil sa ginawang pambibitin ni Jennylyn and it was his fault daw.

Hindi kapani-paniwala sa sinabing dahilan kung bakit ayaw papuntahin ni Patrick si Jennylyn sa presscon. Nagseselos daw kasi si Patrick sa Japanese co-star ni Jennylyn. May bali-balitang hiwalay na raw sina Jennylyn at Patrick kaya’t nakakagulat na biglang sunduin ni Patrick si Jennylyn on her way to the presscon venue.

Isa pa, may mga instances nang hindi talaga sinisipot ni Jennylyn ang presscon niya. In fact, isang invited press nga ang nag-advance ng kanyang panulat na “hindi sinipot ni Jennylyn ang press con” at tama nga siya.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: