Dingdong Dantes to sign exclusive contract with GMA Films

Dingdong Dantes to sign exclusive contract with GMA Films

“Ang totoo po, seremonyas na lang ang kulang sa pagpirma ko ng contract sa GMA Films dahil nag-commit na po ako,” says heartthrob Dingdong Dantes.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes sa cell phone habang papunta siya sa taping ng Marimar sa Baliwag, Bulacan, last Thursday, January 24.

Hiningi namin ang kanyang panig sa issue na nagtatampo siya diumano sa GMA Network dahil itinambal kay Richard Gutierrez ang leading lady niya sa Marimar na si Marian Rivera sa Valentine presentation ng GMA Films at Regal Entertainment na My Best Friend’s Girlfriend (BFGF) kahit hindi pa tapos ang Marimar. Ayon pa sa balita, ito rin daw ang dahilan kaya hindi natuloy ang pagpirma ni Dingdong ng exclusive contract sa GMA Films.

“Hindi po totoo ang issue,” natatawang sagot ni Dingdong. “Wala po akong iniisip na ganoon. Unang-una po, management decision ‘yon at noon pa naman, sinabi na nilang may gagawin nga raw Valentine movie si Richard na si Marian ang magiging leading lady niya.

“Saka sinabi na rin nila sa amin ni Marian na may gagawin din kaming movie sa GMA Films pagkatapos ng soap namin. Para naman hindi magsawa ang mga fans dahil since August 13, 2007, napapanood na po kaming magkasama ni Marian at tatagal pa ang soap namin hanggang sa first week of March.”

May mga humihiling na mga tagapanood ng Marimar na sana raw ay sila na lang ni Marian ang napapanood palagi at wala na ang ibang characters. Ano ang reaksiyon dito ni Dingdong?

“Hindi naman po puwede yung kami na lang lagi ni Marian ang mapapanood,” natatawang sabi ni Dingdong. “Marami pa pong mangyayari [sa Marimar] na alam kong magugustuhan nila. Like yung very intimate, very emotional, and very passionate love scene namin ni Marian, na iba ang ginawang execution ni Direk Joyce Bernal. Masyado po akong nadala sa eksenang ‘yon dahil as Sergio, mahal na mahal ko si Marimar at gagawin ko ang lahat para maprotektahan lang siya at ang anak naming si Cruzita. Pero pagkatapos po ng eksenang ‘yon, makikita na ang malaking pagbabago kay Marimar, kung paano na niya ipaglalaban ang kanyang sarili at ang mga mahal niya sa buhay.”

Nagbiro naman si Dingdong nang tanungin namin kung bakit hindi natuloy ang pag-sign niya ng exclusive contract sa GMA Films.

“Ang totoo po, seremonyas na lang ang kulang sa pagpirma ko ng contract sa GMA Films dahil nag-commit na po ako. Hindi pa lang nagiging pormal dahil kasalukuyang naglilibot sa kung saan-saang lugar sa bansa ang manager kong si Perry Lansingan, kasama ni direk Louie Ignacio para sa audition ng Pinoy Idol. Kaya po hindi magtagpo ang schedules naming dalawa.

“Kapag nakabalik siya ng Manila, ako naman ang wala dahil sa Bulacan, Clark, at Zambales kami nagte-taping ng Marimar. Kapag ako naman po ang libre, siya [his manager] naman ang wala. Basta po nagtagpo na schedule namin, tuloy na po ‘yon,” paniniguro ng aktor.

Natanong din namin kay Dingdong kung may plano silang Valentine date ng girlfriend niya na si Karylle.

“As of now, wala pa po kaming plano for Valentine dahil Thursday ‘yon, may taping po ako ng Marimar. Pero puwede naman po kaming mag-post-Valentine celebration ni Kay pagkatapos ng taping ko,” pagtatapos ni Dingdong.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: