Sunshine Dizon sa Kamandag

NAGULAT ang viewers ng Kamandag noong Thursday evening nang ipakita ang picture ni Sunshine Dizon na naka-costume at in-announce na kasama na siya fantasy-action series simula noong Friday.

Ginagampanan niya ang role ni Ragona na sa apoy nanggagaling ang power, gaya ng role niya sa Encantadia.

Bida-kontrabida siya rito na gusto ng tao sa actress.

Siya pala ang sinabi ni Direk Mark Reyes sa presscon ng My Bestfriend’s Girlfriend na isa sa mga bagong character na papasok at madaragdag sa cast.

Extended ang Kamandag ng ilang weeks at para tumakbo ang istorya nang maayos, kailangang magdagdag ng characters.

Malapit sa puso ni Direk Mark ang Encantadia, dahil ito pa lang ang show niya na kahit wala na sa ere, super close pa rin ang cast.

Ang dream project nga ni Direk ay gumawa ng movie version ng Encantadia, hindi lang niya alam kung paano, kaya tiyak na masaya ito sa pagpasok ni Sunshine sa Kamandag.

Ang request ngayon ng viewers, pagtagpuin sina Sunshine at Lucero (Mark Anthony Fernandez) para magkaroon ng reunion ang mga bida ng Impostora.

May nag-comment naman na buong taon nasa telebisyon ang actress at mangyayari ito dahil balitang inihahanda na ang next solo project niya sa GMA-7.

NITZ MIRALLES
Journal Online

Advertisements

1 Comment »

  1. 1
    LM Says:

    ahhmmm hi po!!! mas maganda po cguro kung ieere ulit ang enca!! promise!! papatok yan!!! marami pa ring mga Pilipino ang gustong makita ang enca!!


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: