Anne Curtis still mum about real score with Sam Milby

Anne Curtis still mum about real score with Sam Milby

“Ask him na lang kung anong stage kami,” was the only reply Anne Curtis gave when asked about the status of her relationship with Sam Milby.

Ikinuwento ng young actress na si Anne Curtis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na magkasama sila ng rumored boyfriend niyang si Sam Milby noong bisperas at mismong araw ng Pasko.

Kasama ni Sam na nagpunta sa bahay ni Anne sa Sucat, Parañaque, noong Christmas eve, December 24, ang nagbabakasyong ina ng matinee idol. Biniro tuloy namin si Anne kung namanhikan na ba sa kanya ang magulang ni Sam.

“Ay, ano ‘yon? Grabe!” tili ni Anne nang makausap namin siya sa ABS-CBN Loop.

Bagong dating din from Australia noong Pasko ang mommy ni Anne, kasama ang mga kapatid niya. Wala naman doon ang Australian father ni Anne na nasa Pampanga that time.

“Nung 25, we went ice skating. We went to Global Fun, yung sa Mall of Asia. Nag-ice skating kami. Ang galing niya [Sam],” tukoy ni Anne kay Sam, na dating professional figure skater.

Doon ba natulog sa bahay niya si Sam?

“Hindi,” ngiti ni Anne. “Nandito yung mommy niya noon, di ba? Ipinakilala niya ang mommy niya sa mommy ko.”

Ano ang regalo ni Sam sa kanya noong Pasko?

“He gave me a potrait nung na-baptize ako as a Christian. Pinalaki niya yung picture. Hindi ko alam kung gaano kalaki. ‘Tsaka isa ring portrait naming dalawa,” lahad ng young actress.

Ano naman ang ibinigay niya kay Sam?

“I gave him a wallet. A Louie Vitton wallet,” sagot niya.

Matagal nang bulung-bulungan na may unawaan na talaga sina Anne at Sam, pero kailan nga ba talaga sila aamin?

“Ask him na lang kung anong stage kami,” pag-iwas ni Anne.

Aware ba siya na naging close si Sam sa bagong leading lady ngayon ni Jake Cuenca sa Palos na si Bangs Gracia?

“Hmmm, hindi,” matipid niyang tugon.

Ang sabi kasi ni Bangs ay naging close daw sila ni Sam bago pumasok ang matinee idol sa Pinoy Big Brother house noon.

“Ask n’yo na lang si Sam,” sabi ni Anne.

Ibig sabihin, hihintayin niya muna na si Sam ang umamin sa relasyon nito kay Bangs bago siya magsalita?

“Oo naman, ‘no! Babae ako,” sagot ni Anne.

Ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Bangs na tila umaasa pa rin siya na magiging sila pa rin ni Sam?

“Umaasa pa siya?” balik-tanong niya. “Ewan ko. Ask n’yo na lang sila. Wala akong alam, I know nothing talaga. If ever she needs clarification, siguro kailangan lang nilang mag-usap ni Sam. Pero labas na ako doon, di ba? Wala naman ako sa posisyon.”

Kilala ba niya si Bangs?

“Na-meet ko siya last Sunday lang sa ASAP,” aniya.

How will she address Bangs kapag nagkita sila ulit? Tatawagin din ba niya na “that girl” ang baguhang young actress?

“Wala, I will not adress her anything. Hindi naman kami close. Wala naman akong alam sa kanila ni Sam,” sabi ni Anne.

E, kung siya ang i-address ni Bangs na “that girl”?

“Hindi naman siguro. Mabait naman siya nung nakilala namin. Mabait naman siya. Nagpakilala pa siya, so okay lang.”

What if masulot sa kanya ni Bangs si Sam at sila naman ang maging magkapareha sa future projects ng actor-singer sa ABS-CBN?

“Well, for me, gusto ko si Sam mapares sa iba-iba. I think I want Sam to grow as an actor. Kailangan din niyang mapares sa iba. Kay Iya [Villania], kay Angel [Locsin], sana kay KC [Concepcion], and Bangs. Puwede si Bangs. Basta iba-iba,” pahayag ni Anne.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: