Jake Cuenca neither confirms nor denies reconciliation with Roxanne Guinoo

Sa presentation for the grand press conference kahapon, January 25, ng ABS-CBN para sa tatlong bagong shows ng Kapamilya network na sabay-sabay magpa-pilot sa Lunes, January 28—Kung Fu Kids, Lobo at Palos—kapansin-pansin at nabigyan ng papuri ang presentation ng Palos. Live kasi na ipinakita nina Jake Cuenca at Cesar Montano ang ilan sa mga action stunts nila na pupuwedeng abangan sa kanilang action-adventure series.

After ng question and answer portion, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa may dressing room ng ABS-CBN para tanungin sa totoong estado ng relasyon nila ni Roxanne Guinoo.

Jake Cuenca neither confirms nor denies reconciliation with Roxanne GuinooSa isang article na lumabas din dito sa PEP kailan lang, inamin ni Roxanne na nag-break nga raw sila ni Jake pero nagkabalikan din sila. Pero nang si Jake na ang kausap ng PEP, halatang clueless ito kung bakit at kung sinabi nga ba ‘yon ni Roxanne. Magpahanggang ngayon, halatang hindi pa rin direktang masagot ni Jake ang totoong estado meron sila ng young actress.

Nang tanungin kung nagkabalikan na sila ni Roxanne, sinabi ni Jake: “Hindi… Basta po sa ngayon, nagkakaintindihan po kami. Basta po ang sa akin, kung ano ang nasabi ko sa The Buzz at nasabi ni Roxanne sa The Buzz, feeling ko, okay na po ‘yon. Feeling ko, okay na po yung statement na ibinigay ko at okay na rin yung statement na ibinigay niya.”

Pero sabi nga namin kay Jake, malabo kasi ang statement niya dahil si Roxanne ay tahasang nagsasabi na nagkabalikan na sila.

“Wala po naman siyang sinabing ganoon,” pagtanggi ni Jake na tila ikinagulat nga niya nang sabihin naming may lumabas na statement na ganoon si Roxanne dito sa PEP.

Kaya sabi na lang niya, “Basta wala po akong statement na sinasabing nagkabalikan po kami. Kung ganoon, siya na lang po siguro ang tanungin n’yo. Sa akin po, ang akin po… Ang statement ko po, okay po kami. Sa ngayon, me usapan kami na ang ipa-prioritize namin ay ang mga trabaho namin sa 2008.”

Tinanong namin si Jake kung bakit kaya sa palagay niya ay nasabi ni Roxanne ang tungkol sa pagbabalikan? Posible kayang bunsod ito ng pagkaka-link niya ngayon sa leading lady niya sa Palos na si Bangs Garcia?

“Nag-uusap naman po kami ni Roxanne,” sabi ni Jake. “Wala naman siyang sinasabi na nag-isyu siya ng statement na nagkabalikan kami. Ang alam ko lang po, nag-react siya sa sinabi ni Bangs dahil ang sa kanya, kung magbibigay raw ng statement na walang problema kasi ex naman ni Jake si Roxanne… Ang sa kanya lang daw, kung may magbibigay ng statement, dapat sa amin manggagaling.

“Pero wala namang kasalanan si Bangs,” giit ng young actor. “It’s very innocent. It was an innocent mistake. Roxanne has no problem with Bangs and Bangs has no problem with Roxanne. Parang ako, I stay mutual between the two. Wala akong pinapanigan sa kanilang dalawa.”

May mga parunggit daw kasi si Roxanne kay Bangs tulad ng salitang “that girl.” Ano ang reaksiyon dito ni Jake?

“Misinterpretation lang po ‘yon,” sagot niya. “Napag-usapan nga po namin ni Roxanne yung statement niya na ‘yon, wala naman po sa kanya ‘yon. She doesn’t have any issue raw with Bangs.”

Ulit niya, “Basta ako, I’m not really siding with any of the two. Obligado lang ako sa kanilang dalawa. At unang-una, ayoko rin naman na mag-away-away silang dalawa. Pangalawa, parang, of course, pagdating kay Roxanne, ang dami-dami naming problemang pinagdaanan at wala naman po kaming problema ngayon.

“Kay Bangs, as a leading man, I have to speak up and alagaan din siya. But I’m not going to give any statement in either party,” pahayag ni Jake.

TRUE OR NOT? Sinabi rin ng PEP kay Jake na may isang kaibigan niya ang nagpapatunay na hindi naman talaga sila nagkabalikan ni Roxanne. Pero hindi nga lang daw siya makapagbitiw ng anumang statement or salungatin ang sinabi ni Roxanne dahil ayaw niya rin na ma-hurt ito or mapahiya. Totoo ba ito.

“Wala…wala…basta usapan namin, klarong-klaro, walang paligoy-ligoy. At usapan po namin na talagang sa 2008, ang priority namin ay ang career namin. Yun na lang po ‘yon. At the same time, I’m not gonna speak anything bad about her. Basta ang sa akin lang, like what I said in the past, we’re okay,” paliwanag ng binata.

Masasabi ba ni Jake na gusto na rin naman kasi niyang mag-move on from their loveteam? Reason na rin kung bakit he’s being paired with other young actress?

“Well, ang sa akin naman, if ABS-CBN calls for our loveteam to do a show again, why not? Basta sa ngayon, very blessed ako sa kung anuman ang meron ako ngayon. At napakasuwerte ko na nakuha ko lahat ito.

“Basta gagalingan ko lang. With anything that management gives me, with anything…kahit anong blessing na ibigay sa akin at lahat naman ng proyekto ay nakikita kong blessings, gagawin ko. If there’s a call for our love team to comeback again, then I’ll do it again,” pahayag niya.

Nagbigay rin ng kanyang panig si Jake sa naging impression ng ilang entertainment press na nag-walkout diumano siya noong huling press conference ng Palos dahil bigla siyang nawala. Tipong hindi raw yata niya nagustuhan ang tanong sa kanya kung pinagsabay niya ba sina Bangs at Roxanne.

“Hindi…hindi…nagpalit lang po ako,” tanggi niya. “Pawis na pawis po ako. Naglakad po kasi ako noon when I did the primer. Naglakad kasi ako from Studio 4, so pinagpawisan po talaga ako.

“Pero yung tungkol sa pinagsabay… No, that’s not true. Wala po akong pinagsabay at hindi ko naman po kayang gawin sa isang tao ‘yon. Parang kumbaga, yung sinasabing trust ni Roxanne, hindi ko naman po sinira ‘yon.”

Sa huli, diretsong tinanong din si Jake kung may nararamdaman pa ba siyang pagmamahal kay Roxanne.

“Ah, basta…okay po kami. Yun na lang,” malabo pa ring sagot ni Jake.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: