Gerald Anderson denies siring a child of a prostitute

Gerald Anderson denies siring a child of a prostitute

“Pero hindi talaga totoo ‘yon. Nakakatawa naman ‘yang isyung ‘yan sa akin. Ako pa, gagamit ng ganung babae?” says Gerald Anderson about a tabloid report that he has a child from a prostitute.

Tinawagan ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Gerald Anderson kahapon, January 25, para kunin ang kanyang panig sa nasulat na diumano’y nagkaanak siya mula sa isang bayarang babae. Ayon pa sa lumabas na balita, gumagamit daw kasi dati si Gerald ng mga bayarang babae mailabas lang ang init niya sa katawan.

Mariing itinanggi ni Gerald ang naturang isyu.

“Wala akong anak sa isang ganun. Paano akong magkakaanak, e, hindi naman ako gumagamit ng mga ganung klase ng babae? Promise, never ko pang na-eperience na gumamit ng ganun,” pahayag ni Gerald.

Hindi pala aware si Gerald na may ganitong isyu sa kanya.

“Kung hindi n’yo pa sinabi sa akin, hindi ko pa malalaman,” sambit ng binata. “Pero hindi talaga totoo ‘yon. Nakakatawa naman ‘yang isyung ‘yan sa akin. Ako pa, gagamit ng ganung babae?”

Ang nagkakalat diumano na may naanakan si Gerald ay ang dating kasamahan niya sa isang dance group. Nung hindi pa kasi artista si Gerald ay naging back-up dancer muna siya ni Joross Gamboa.

“Yung mga kasamahan ko dati na nagba-backup kay Kuya Joross, mga kaibigan ko sila. Kaya hindi ako naniniwala na sisiraan nila ako,” banggit ni Gerald.

Isa pang isyu na nilinaw ni Gerald ang balitang girlfriend niya na diumano ang kanyang ka-loveteam na si Kim Chiu. Inililihim lang daw nila ang kanilang relasyon. Pero masama raw ang loob ngayon ni Kim kay Gerald dahil nakarating sa dalaga na bukod sa kanya ay may iba pang girlfriend si Gerald.

“Hindi totoong kami na ni Kim,” giit ni Gerald. “Magkaibigan lang talaga kami. Promise. Kung totong kami na, bakit naman namin ide-deny, di ba? At saka kung sakaling girlfriend ko na siya, hindi naman ako magtu-two time. I am a one-woman man. One at a time lang ako ‘pag nakikipagrelasyon. Hindi ako playboy.”

ROMMEL PLACENTE
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: