Blind Item: Kahit nasa Amerika pagka-klepto ng aktres umaatake na naman

Kahit pala sa Amerika ay umaandar pa rin pamin­­san-minsan ang kalikutan ng kamay ng isang magandang aktres. Nung aktibo pa sa pag-aartista dito ang mestisang aktres ay marami nang nakahuli sa kalikutan ng kanyang kamay, literal talaga siyang nakamayan ng ilan niyang kasamahan, kumukuha siya ng mga kagamitang alam niya naman na hindi kanya.

Kalat na kalat na ang kuwento tungkol sa nangyari nung mag-pictorial siya para sa isang pelikula kung saan siya kasama, kinalbo niya ang CR ng isang kilalang photog­rapher, siya lang naman ang pumasok dun pero nung luma­bas siya ay nagkawalaan na ang mga kagamitan dun ng potograpo.

Kuwento ng isang source, “Klepto siya dahil kahit maliit na bagay lang, pinapatulan niya. Ano bang hairpin lang o lipstick yan, kukunin pa rin niya yun para lang makaramdam siya ng satisfaction.

“Nung minsan, nawala ang lipstick ng isang kasa­ma­­han niya, nakita yun sa kanyang bag. Nung sitahin siya ng may-ari ang sabi niya, napagkamalan lang niyang kanya ang lipstick.

“Pero nung minsan, sapatos na ng kasa­mahan niyang artista ang kinuha niya, hindi na niya puwedeng sabihin na nagkamali lang siya ng paglalagay nung sapatos sa malaking bag niya.

“Ang laki-laki ng sapatos, obvious na kinuha niya talaga yun, kaya nakamayan siya. Marami pang ibang kasamahan niyang artista ang nawalan nung active pa siya sa pag-aartista dito, siya lang ang pinagbibin­tangan ng lahat, dahil siya lang naman sa grupong yun ang may record ng pagkuha ng gamit ng may gamit,” sabi ng aming impor­mante.

Ngayon ay naninirahan na sa Amerika ang mesti­sang aktres, nakapag-asawa siya ng banyaga, pero paminsan-minsan ay umaariba pa rin pala ang mahihiwagang kamay ng aktres.

Nung minsan siyang imbitahan para sa isang ribbon cutting ay meron na naman siyang itineyk-home na mga kagamitan ng parlor, halatado namang siya ang kumuha nun, dahil biglang nabusog sa kapunuan ang bag niyang gutom na gu­tom sa kapayatan nung du­­ma­­ting siya sa okasyon.

“Nung una, ayaw pang maniwala nung mga nandun na siya ang kumuha ng maliliit lang, pero may kamahalang kagamitan sa parlor, pero may security camera sila, kitang-kita dun kung paano niya pasim­pleng ihinuhulog sa bag niya ang mga gamit.

“Hindi na lang siya sinita nung owner ng parlor dahil kaibigan nila yung mister ng aktres, pinabayaan na lang nila si _____ (pangalan ng aktres) sa kanyang trip, pero sumumpa ang may-ari ng shop na hinding-hindi na uli siya iimbitahin sa kahit anong okasyon,” pagta­tapat ng aming source.

Madaling mahulaan kung sino ang aktres na ito, pa­milyar ang kanyang pangalan sa isang shampoo commer­cial, gets n’yo na?

CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: