Angelica Panganiban says she will not let go of Derek Ramsey anymore

Angelica Panganiban says she will not let go of Derek Ramsey anymore

“Kasi alam kong mahal niya ako. Alam kong hindi rin niya ako pakakawalan,” exclaims Angelica Panganiban about her boyfriend, Derek Ramsey (not in photo).

Tigas talaga sa pagtanggi si Angelica Panganiban sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa napabalita na naging sila ng young actor na si Joseph Bitangcol noong panahon ng teleseryeng Vietnam Rose. Nagkasama kasi ang dalawa sa naturang proyekto ng ABS-CBN at dito nga raw nagsimula ang magandang relasyon nila.

Nasulat sa ilang tabloids na diumano, mismong kay Joseph galing ang statement at sinabi nga nitong nagkamabutihan sila ni Angelica.

“Hindi po totoo ‘yon,” tanggi ni Angelica. “Bakit naman niya sasabihin ‘yon, baka naman hindi lang sila nagkaintidihan?”

Ipinaliwanag ni Angelica na naging malapit lang talaga sila ni Joesph at madalas nagbibiruan sila noong araw.

“Papa Joseph kasi ang tawagan namin at baka napagkamalan lang nilang kaming dalawa noon. Sa akin, biro lang ‘yon. Alam naman ni Joesph na talagang biruan lang kaya imposibleng ipagsabi niyang nagging kami,” paglilinaw ng young dramatic actress.

Habang kausap namin si Angelica, tiyempo namang pagdaan ni Joesph kasama si Raphael Martinez. Galing ang dalawang young actors mula sa isang meeting sa ABS-CBN. Sinamantala na ng PEP na paupuin din sa aming tabi si Joseph upang ipaliwanag yung lumabas na item na naging sila nga ni Angelica.

“Nabasa ko nga po, pero hindi ko sinabi ‘yon. Bakit ko naman sasabihin? Hindi ko naman talaga naging girlfriend si Angelica. Magkaibigan lang po kami at siguro yung source na sinasabi nila, na-misinterpret lang nila ako,” pagsangga pa ni Joesph sa mga naglabasang tsismis sa kanila ni Angelica.

DEREK RAMSEY. Kung itinanggi naman ni Angelica si Joseph, buong-ningning naman siyang nagpahayag sa naging relasyon nila noon ni Carlo Aquino. Na noon daw, talagang akala niya ay si Carlo na ang lahat sa kanyang buhay. Talaga raw super in love siya sa dating child actor at kung maaari lang, wala nang makaagaw pa sa kanya.

Pero naiba nga ang kanilang tadhana at ngayon ay sila na nga ni Derek Ramsey na sa tingin ni Angelica, ito na talaga ang lalaking hindi na niya ipaaagaw sa iba.

“Kasi alam kong mahal niya ako. Alam kong hindi rin niya ako pakakawalan,” seryosong sabi ni Angelica.

Sa puntong ‘yon ng aming panayam, naungkat din ang mga materyal na bagay na ibinibigay sa kanya ni Derek gaya nitong nakarang Pasko at Bagong Taon.

“Niregaluhan po niya ako ng bag, ito po,” at ipinakita nga ni Angelica ang isang Gucci bag na kulay silver at sa tantiya ng mga kasamang reporter ay may malaking halaga.

“Wala naman po ‘yan sa halaga. Ang importante, mahalaga ako sa kanya, na mahal niya ako at ipinakikita niya,” sabi ni Angelica tungkol sa mga naibigay na regalo sa kanya ni Derek, kasama na ang ilang pirasong mga mamahalin ding alahas na suot ni Angelica nang makausap namin siya sa ABS-CBN compound habang hinihintay nila ng kanyang ina ang pagdating ni Derek mula sa isang victory party sa mismong building din ng Kapamilya network.

ROSANNA ROCES. Tungkol naman sa napabalitang sinibak na si Rosanna Roces, na gumaganap na ina niya sa Maging Sino Ka Man Book 2, sinabi ni Angelica na wala siyang alam tungkol sa kumakalat na tsismis.

“Hindi ko po alam,” sambit niya. “Basta ang alam ko, nagpapahinga siya ngayon sa bakasyon. Noon pa naman po, ipina-block off na niya yung date na wala siya dahil nga magbabakasyon siya kasama ng kanyang pamilya. Yun po. Kaya hanggang ngayon, wala siya sa istorya.”

Alam ba niya kung babalik pa si Rosanna sa soap opera nila?

“Hindi ko po talaga alam,” sagot niya. “Kung may problema man, hindi naman idini-discuss sa amin. Yung mga nakakataas ang nakakaalam. Baka naman po pinaiingay lang nila ‘yan habang nasa bakasyon si Tita Osang, hindi kaya?”

Totoo rin ba na nag-inarte si Rosanna at madalas may problema sa staff kung kaya tinanggal na ito sa Maging Sino Ka Man?

“Ang alam ko po, prangka siya, sinasabi niya kung ano ang feel niya. Pero ako, kasundo ko siya, mabait siya. Kami lang ni Tito Ipe [Philip Salvador] ang nakakalambing sa kanya kahit wala siya sa mood.

“Kung sinasabi nilang mainitin ang kanyang ulo, naiiintidihan ko po ‘yon. Sobra talaga ang pagod at puyat namin sa Maging Sino Ka Man. Talagang araw-araw, trabaho. Kung kami ngang mga bata, nabe-burntout dahil sa stress sa trabaho, siya pa kaya? Kaya ako, kahit nakikita kong hindi maganda ang mood niya, naiintindihan ko po siya,” pagtatanggol ni Angelica kay Osang.

CESAR PAMBID
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: