Dennis Trillo shrugs off negative prediction about his career this 2008

Dennis Trillo shrugs off negative prediction about his career this 2008

“Hindi naman natin dapat isipin na parang ganoon na nga ang mangyayari. Mas maganda siguro na gawin natin ang lahat ng magagawa nating maganda para mapabuti ang trabaho, di ba?” says Dennis Trillo about a prediction saying that his showbiz career will be “shaky” this year.

Kahit medyo nakakakaba ang prediction sa career ni Dennis Trillo ngayong 2008, tila hindi pa rin natitinag ang matinee idol. Ayon kasi sa isang episode ng Mel & Joey, na-predict ng isang manghuhula na magiging “shaky” ang career ng multi-awarded actor ngayong Year of the Rat.

Ayon kay Dennis, nabigla raw siya sa hula sa kanya, pero hindi naman niya ito masyadong didibdibin. Bagkus ay ituturing niya raw ito na isang paalala at lalo niyang pagbubutihin ang kanyang trabaho.

“Hindi naman natin dapat isipin na parang ganoon na nga ang mangyayari. Mas maganda siguro na gawin natin ang lahat ng magagawa nating maganda para mapabuti ang trabaho, di ba?” pahayag ni Dennis.

Sa katunayan, excited si Dennis sa pagpasok ng 2008. Ngayon pa lang kasi, marami na raw promising na projects na dumarating sa kanya. Sa Pebrero, tutulak si Dennis patungong Las Vegas, Nevada , at sa dalawang cities sa California kung saan magkakaroon siya ng concert para sa GMA Pinoy TV. Kasama niya rito sina Jolina Magdangal at Yasmien Kurdi.

Natutuwa rin si Dennis dahil ngayong taon daw tila matutuloy na ang pelikula kung saan makakasam niya ang kapatid niya sa manager nilang si Popoy Caritativo na si Marian Rivera.

“Nagkasama na kami dati, pero iba ito ngayon. Siyempre, sobrang sikat na ni Marian ngayon dahil sa Marimar. Iba yung makakasama ko siya sa isang pelikula ngayon,” sabi ni Dennis.

Pero magpahanggang ngayon ay inaasahan pa rin ni Dennis na magagawa niya ang isang dream role niya. Naging vocal siya dati na gusto niyang gumanap sa isang role na offbeat, isang role na malayo sa kanyang clean, boy-next-door image ngayon.

“Even before, gusto ko yung mga dark roles, yung pumapatay,” sambit niya. “Target ko yun this year na sana magawa ko ang isang movie na ganoon. At saka sana isang movie na commercial. Then, baka mag-indie rin kami this year.”

Kinumusta rin namin kay Dennis ang pagiging ama niya sa anak nila ni Carlene Aguilar na si Calix Andreas. Biglang nagliwanag ang mata ni Dennis nang ikuwento niya ang pagbili niya ng Christmas gift para sa kanyang anak. Personal niya raw na pinili ang Fisher Price baby drum set para sa kanyang baby.

“Maganda siya kasi maraming tunog, kaya yun ang napili ko. Nakakapanibago dahil kasi ‘pag nagpupunta ako sa toy store, dati ang binibili ko para sa akin. Ngayon, iba yung feeling, alam ko para sa anak ko kaya pipiliin mo talaga pinakamaganda,” masayang kuwento ni Dennis.

Mas maayos na rin daw ang relasyon ni Dennis kay Carlene ngayon. Naging magkaibigan na sila matapos ang kontrobersiya nung isang taon. Halos araw-araw na rin daw niyang nakikita ang kanyang anak.

Maging si Cristine Reyes na minsang naiugnay kay Dennis ay naging kaibigan na rin ng matinee idol. Nagkausap na rin daw sila at napagdesisyunan na mas magandang maging magkaibigan na lang sila.

“Sana magtuluy-tuloy na ganito. Yung maayos para sa lahat,” pagtatapos ng Zaido star.

NELSON CANLAS
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: