Bangs Garcia shifts from teenybopper to sexy image

Bangs Garcia shifts from teenybopper to sexy image

“I’m very overwhelmed until now. Hindi pa po nagsi-sink in na I really got the role. I’m just so thankful kay God [kasi] sobrang blessed ako. I’m so fortunate to have this opportunity,” says Bangs Garcia when asked about getting the lead role in the teleserye Palos.

Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa young actress na si Valerie “Bangs” Garcia sa press conference ng Palos noong Huwebes, January 17, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN compound. Bukod sa wala na ang prominenteng bangs niya, mas sexy na rin ang kanyang pananamit kumpara sa kanyang roles noon sa teen-oriented show na Let’s Go.

Ayon kay Bangs, ang kanyang pagpapalit ng image ay dala ng kanyang role bilang leading lady ni Jake Cuenca sa bagong action teleserye ng ABS-CBN na Palos.

“Kasi first major project ko ito at saka yung pagiging sexy actress ko dito, hindi naman magpu-focus doon, e. Action din siya this time, kasi marami din akong matitindi na action scenes. Challenging siya, parang gusto kong ma-try lahat ng klase ng acting sa showbiz,” paliwanag ni Bangs.

Kuwento pa ni Bangs sa PEP (Philippine Entertainment Portal), hindi naging madali para sa kanya na makumbinsi ang kanyang mga magulang sa pagiging sexy actress niya para sa Palos. Idagdag pa diumano ang kissing niya with Jake Cuenca na talagang pinag-uusapan ng mga nakakita ng trailer ng naturang programa.

Aniya, “I had discussions pa with my parents para mapapayag akong maging sexy. At saka noong unang-unang nalaman ko na magpa-Palos ako, I didn’t know na magse-sexy ako.

“Yung Papa ko, sobrang medyo nagagalit siya sa kissing scene. Siguro okay lang kung smack, pero nung nakita nila yung kissing scene, parang na-shock sila, yung family ko.”

Gayunman, sinubukan naman itong ipaliwanag ni Bangs sa kanyang mga magulang. “I explained naman na may paghuhugutan kasi yung story. Kasi yung kissing scene namin, hindi lang naman basta-basta kissing scene yun, may story behind it,” pahayag ni Bangs.

Dagdag ng young actress, “Pero kahit papaano, I’m ready for it kasi I’m twenty years old naman, e, parang I’m at the right age na.”

Sa kanyang pagtanggap ng sexy roles, hindi ba siya nag-alala na maaaring puro ganito na ang roles na ibigay sa kanya sa mga susunod na projects niya?

“I don’t wanna stick to that kind of role lang,” sagot ni Bangs. “Gusto ko pong ma-experience lahat. Aside from being sexy, puwede naman po siguro akong maging sexy-dramatic actress. Kasi I’ve been in a comedy [show] pero I really want to get into drama. I’ll try my best din po to show that I really can act. So gagalingan ko po talaga dito sa Palos.

Samantala, sa general interview naman noong press conference, naitanong kay Bangs kung may balak ba siyang gamitin ang kanyang tunay na pangalan na Valerie ngayong wala na ang bangs niya.

Sagot niya, “Sa ngayon po, so far, ang napag-usapan namin ng manager ko, Direk Bobot [Mortiz], Bangs Garcia pa rin talaga. Kasi nandun pa rin po yung mystery na nakuha ko from Let’s Go, kasi yung viewers po talaga never pa po nila nakita yung mukha ko. I mean, I get to play in [Maalaala Mo Kaya] pero as Valerie, hindi po nila alam na ako po ‘yong si Bangs.

“This time, as Bangs Garcia, lalabas ako sa Palos nang walang bangs. So parang pangpain na rin sa viewers na, ‘A, si Bangs, I wanna see her face now.’ So sa ngayon po, Bangs Garcia po yung napag-usapan namin. Pinag-uusapan pa nila kung papalitan or what, pero ako, masaya naman po ako sa Bangs.”

Sa bandang huli, hindi lamang daw ang kanyang acting skills o ang pagiging prominente niya dahil sa kanyang bangs ang maipagmamalaki niya sa showbiz. Sinabi ni Bangs, “In my own opinion, I think my edge is my personality kasi very flexible din po ako. I am confident enough to say that I have a pleasing personality kasi kaya kong makibagay sa kahit kaninong tao.”

NERISA ALMO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: