Ryan, dismayado sa trato ng Dos!

NAGREREKLAMO ang fans nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa naging ending ng Ysabella at hindi nila naintindihan kung bakit pinatay na naman ang character ng TV host-actor.

Double-dead daw ang character nito’t twice pinatay at ang hindi maganda, ang dalawa ang sinisisi ng kanilang fans sa nagtapos na teleserye.

Ang akala ng fans, kagustuhan nina Judy Ann at Ryan ang ending na hindi sila ang magkakatuluyan. Last project pa naman ito ng dalawa at mukhang matatagalan pa bago sila muling mapanood sa serye ng ABS-CBN.

Para malinaw ang lahat, ipinarating namin kay Ryan ang reklamo at galit ng fans sa kanya at kahit nasa Amerika pa’y sumagot ito.

Heto ang kanyang pahayag: “Hindi kami ang namili ng ending ng Ysabella. Ako pa ba ang tatangging magkatuluyan kami ni Juday sa kuwento? Imposible ’yun! “Pre-set na ang ending nu’ng i-present sa amin. Masakit na dinouble dead ako sa kuwento, pero ’yun siguro ang tingin ng management na magandang mangyari sa akin. Inuulit ko, hindi ako, and not even Juday, chose the ending. That was how management regards our team-up siguro.”

Heto pa: “It’s not also true that we don’t want to work together. We still have film commitments with Regal and OctoArts together. Funny, but after d successful SSS & Ysabella, ang ABS ang may planong paghiwalayin kami ng soap opera. To think na unlike Sa Piling Mo, with Juday and Piolo (Pascual) and the new soap with Derek (Ramsey) and Juday, wala pa kaming soap na kami talaga ni Juday ang tinatayaan.

“Not Krystala dahil tatlo kaming pinackage na leading men ninaTJ Trinidad at Sid Lucero and not Ysabella which was sold as a Juday starrer with a triangle. In fairness to me, kailan kaya ako tatayaan ng ABS at magiging priority like other stars na sunud-sunod ang projects sa kanila?”

Pinag-react din namin ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer na hindi rin natutuwa sa nangyayari sa kanyang talent.

Sabi ng text message nito: “I surely don’t think that this is the price of loyalty and box-office hits.”

Ang maganda lang daw kay Ryan, hindi nawawalan ng options at lagi pang nag-i-excel.

NITZ MIRALLES
Journal Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: