Blind Item: Guwapong actor nagmumukhang driver sa kaibigang cameraman

BLIND item: Kung nagbabasa man ang isang guwapong aktor ay gusto naming iparating sa kanya na ihinto niya muna ang paghahatid sa kaibigang cameraman sa may bandang Pasig.

Nami-misinterpret kasi ’yon ng mga nakakakita sa kanya sa tuwing nagmumukha siyang driver nito na kailangan pa talaga niyang ihatid ito sa Pasig.

What’s so special about the good-looking cameraman? Sobra bang friends sila o totoong may namamagitan sa kanila?

Kung “chaka” ang cameraman, okay lang. Puwedeng isipin ng mga nakakakita na nababaitan lang siya rito, pero ang guwapo raw ng cameraman, eh.

Kahit sa taping ng kanyang show (mamili na lang kayo kung sitcom, teleserye o game show) ay excited siya dahil cameraman pala ito rito.

Ayaw naming bigyan ng ibang meaning ang kanilang friendship. Pero kung wala namang halong seksuwal ang kanilang friendship, eh, ano ba ang pakialam ng ibang tao?

Kaso, sana, iniiwasan na ng guwapong aktor ang mga ganitong usapin, lalo pa’t hanggang ngayon ay pinagdududahan ang kanyang kasarian.

Puwede naman naming i-text sa kanya ito, ang kaso, kung kasinungalingan din lang ang maririnig namin, eh, baka sumama pa ang loob namin.

Clue? Ay, ayoko nga. Baka ’pag nalaman n’yong siya nga ’yung hula n’yo, eh, “sakyan” n’yo pa siya.

OGIE DIAZ
Journal Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: