Andrew Schimmer says getting back with Katrina Halili is possible

Andrew Schimmer says getting back with Katrina Halili is possible

“Well, kung hindi na siya busy at ready na si Kat na muling magmahal and ganoon din ako, hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari. Posible ang part two. Why not, di ba?” says Andrew Schimmer about the possibility of renewing romance with ex-girlfriend Katrina Halili.

Aminado si Andrew Schimmer na sobra ang concern niya para sa dating girlfriend na si Katrina Halili. Espesyal ang turing niya sa young sexy star, hindi lang dahil sa kanilang nakaraan kundi dahil itinuturing niyang isang malapit na kaibigan pa rin si Katrina.

Noong birthday ni Katrina ay nandoon si Andrew at nagdala pa ito ng flowers. Nakakaintriga rin ang wish niya kay Kat dahil sinabi ni Andrew na sana raw ay matagpuan na ng dalaga ang right guy upang maging maligaya ito. So, may katotohanan kaya ang balitang gusto niyang makipagbalikan kaya muli niyang nililigawan ang aktres?

“Si Katrina kasi, mayroon siyang special place sa puso ko,” panimula ni Andrew sa PEP (Philippine Entertainment Portal). “Tungkol doon sa kung mahal ko pa si Katrina at gusto kong makipagbalikan, mahal ko talaga siya as a friend. Pero aside from that, siguro wala muna yung balikan. Hindi ko muna siguro iniisip yung tungkol sa balikan, kasi masaya na ako na maging kaibigan niya ngayon.

“Ewan ko rin, pero parang mas okay kami ngayon kesa dati. Mas open kasi siya ngayon sa akin at mas nakakapagsabi rin ako sa kanya. And sa ngayon, mas okay na ako sa ganoon.

“Sa tingin ko,” patuloy niya, “yung balikan ay malabo pang mangyari ngayon. Ngayon busy talaga ako and si Kat, walang panahon talaga ‘yan sa love life ngayon. Lalo na kung ako pa ang eeksena, mas lalong walang panahon ‘yan sa akin.”

Siya ba ang first boyfriend ni Katrina at true love ba ang nangyari sa kanila noon, hindi trip-trip lang dala ng kanilang kabataan?

“Hindi yata ako ang first BF niya, siguro pangalawa o pangatlo,” sagot ni Andrew. “Naniniwala ako na true love ang nangyari sa amin ni Kat noon. Si Kat kasi, kinu-consider ko na isa sa seryosong nakarelasyon ko at ganoon din naman siya sa akin.”

Inusisa rin namin si Andrew tungkol sa hindi niya malilimutang moments nila ni Katrina noong sila pa.

“Pinaka-memorable sa relationship namin ni Kat… Si Kat kasi, napaka-sweet niyang tao, e. And wala kaming pinag-aawayan niyan, sobra. ‘Pag nagkakatampuhan, ang mangyayari lang ay hindi kami mag-uusap.

“Paano at bakit kami naghiwalay?” ulit niya sa tanong ng PEP habang nag-iisip. “Siguro dahil bata pa kami at noong mga panahong ‘yon, ang dami ko pang gustong gawin at si Kat, priority niya ang kanyang career, e. That time, feeling ko na mas magbu-boom ang career niya kung wala ako, na hadlang ako sa career niya. So, nag-decide ako na mag-let go na lang, magpaubaya na lang para sa career niya.

“So, ngayon ay happy talaga ako para kay Kat. Noong nag-number-one pa lang siya sa FHM, isa ako sa talagang pinakamasayang tao para sa kanya,” pahabol niya.

Gayunman, hindi isinasara ni Andrew ang posibilidad na in the future ay mas lalong gumanda ang relasyon nila ni Katrina.

“Well, kung hindi na siya busy at ready na si Kat na muling magmahal and ganoon din ako, hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari. Posible ang part two. Why not, di ba? Kapag maayos na ang lahat, stable na ako at ganoon din siya, kung talagang kami pa rin para sa isa’t isa, why not?

“Kasi pareho pa kaming bata noon, e. So, this time, sakaling magkakaroon ng balikan, sa tingin ko ay mas magiging okay kami. Kasi, siyempre, pareho na kaming matured sa mga bagay-bagay sa buhay at pareho na kaming responsable ngayon. So, siguro mas magiging okay… Kung mangyayari man yung balikan, ha?” mabilis na pahabol ni Andrew.

NONIE NICASIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: