GMA-7 tells ABS-CBN not to interfere with Cristine Reyes’s career

GMA-7 tells ABS-CBN not to interfere with Cristine Reyes's career

Napakaraming kaugnayan ngayon ng young sexy actress na si Cristine Reyes sa ABS-CBN.

Nandoon na pansamantala ang kanyang kapatid na si Ara Mina na pasok sa second season ng Prinsesa ng Banyera. Balitang malapit din si Cristine ngayon kay Willie Revillame, ang host ng Wowowee.

Sa Guam episode nga ng nasabing noontime show ng Kapamilya network ay lumabas si Cristine, kahit na nag-promise siya na bakasyon lang ang habol niya sa pagsama niya sa kanyang Ate Ara na special co-host that time ni Willie.

Balita ring may inaalok na ang ABS-CBN kay Cristine, a gag show na pagsasamahan ng ex-Kapuso stars like Valerie Concepcion and Iya Villania. Naging mas matunog ito lalo na’t pagkatapos tanggihan and later on ay kunin ulit ang papel niya para sa Joaquin Bordado nina Robin Padilla, Iza Calzado, at Mark Herras, tinanggihan muli ito ni Cristine for the second time.

Ngunit walang magagawa si Cristine but to abide by her GMA Artist Center contract dahil balitang sumulat na ang abogado ng GMA-7 sa ABS-CBN not to interfere with Cristine’s career.

Magtatapos man ang contract ni Cristine sa GMA Artist Center this February, may first option to renew pa ang star management department ng Kapuso network sa StarStruck 1 Avenger for another three years.

Nagtataka nga ang GMA Artist Center kung bakit atat si Cristine na lumipat na at suwayin ang mga pinag-uutos nila—tulad nga ng pag-appear niya sa Guam episode ng Wowowee—gayong hindi naman siya pinapabayaan ng GMA-7 at pawang mga magagandang roles ang inaalok sa kanya.

Ang pangalan pa lang ni Cristine ang nakakabit sa isa sa mga binubuong Sine Novela ng GMA-7, ang remake ng Eva Fonda, 16 na siyang nag-launch noon kay Alma Moreno.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: