Blind Item: Mr. Tawad

peepingtom-doctor.jpg

Ang pagiging isang celebrity, maraming perks. Nariyang bigyan ka ng V.I.P. treatment sa mga establishments, at padalhan ka ng mamahaling freebies ng mga endorsers. Okay lang naman siguro ito since the mere presence of a star in a store, for example, can attract a multitude of potential customers. Hindi ba’t kapag nalaman mo na suki sa ganitong boutique ang idol mo, gusto mo ay doon ka rin mamili?

Ang hindi lang okay ay kapag napasobra ang pagiging diva ng ilang mga artista. Noon nga, may napabalitang isang TV personality na ayaw raw magbabayad ng credit card kasi sikat daw siya. Meron namang nag-party sa isang bar with friends, umalis na lang basta-basta. Meron ding nagalit kasi ayaw daw ilibre ang mga pinamiling damit. Maraming ganyang kuwento sa showbiz. Minsan nga, hindi mo na alam kung ano ang totoo sa imbento.

‘Etong maikling kuwento ng isang peeping tom, kayo na ang bahalang humusga kung totoo o imbento. Tungkol ito sa isang modelo na maituturing na ring showbiz personality. Maikli lang ang kuwento:

Late last year ay na-confine siya sa isang prestihiyosong ospital dahil sa dengue. Nagkaroon siya ng nosebleeding kaya isang main physician ang tumingin sa kanya para humupa ito. Noong bumuti na ang kanyang kalagayan, natural, e, idi-discharge na siya.

Inabot ang kanyang hospital bills, at nagulat ang staff sa reaksiyon ng modelo. Namahalan daw siya sa professional fee ng doctor, na ibinase sa klase ng room na inokupahan ng nasabing modelo, kaya humingi ito ng 90% discount. Nagtaka na nainsulto raw ang doctor sa ginawang pagtawad ng modelo, kaya imbes na makipag-debate pa ay napilitan na lang ang huli na magsabi ng, “Libre na nga.” Kaya ayun, nalibre si modelo.

Masyadong obvious kung magbibigay ng clues kaya huwag na lang. Basta ang nasabi lang ng iba pang nakarinig ng kuwento, “Kaya pala iniwan ng asawa, e, feeling.” Yun na!

TRISH ALVAREZ
Peeping Tom, Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: