Blind Item: Kapuso na naging kapamilya gustong bumalik sa kapuso?

Hindi na raw masaya ang aktres sa bago niyang bahay, ang ABS-CBN.

Nung nasa GMA kasi si aktres, halos sunud-sunod ang project niya at nakukuha talaga niya ang magagandang role na gusto niya.

At halos lahat ng ginawang project ni aktres sa GMA ay mataas ang ratings.

Pero sa ABS-CBN nga raw, makalipas lang ang ilang buwan na pagsabak niya sa isang show, agad ding tsinugi ang show na `yon.

Sa hindi malamang dahilan ng aktres, bigla na lang silang sinabihan na tapos na ang show nila. Eh, ang alam niya, matagal pa bago magtatapos ang show na sinalihan niya.

At bagamat wala na ang show na `yon, tila wala pa rin daw siyang nariri­nig na susunod na project na gagawin niya sa ABS-CBN.

Anyway, noong Pasko ay nagbigay ng regalo ang aktres sa mga dati niyang kasamahan sa GMA 7. Isa nga sa binigyan niya ng regalo ay ang boss niya noon sa Siyete, na nag-alaga ta­laga sa kanyang career.

Kung babasahin mo raw mabuti ang mensahe ni aktres sa sulat na kalakip ng regalo niya sa kanyang da­ting boss, parang nagpapahiwatig ito na gusto na niyang bumalik sa Siyete.

Well…

Abante Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: