Nadine Samonte and Polo Ravales replace Jennylyn and Patrick in “Maging Akin Ka Lamang”

Nakapag-start na ng taping under director Gil Tejada sina Jennylyn Mercado, Patrick Garcia, Isabel Oli, at Carlo Aquino for Maging Akin Ka Lamang, ang Sine Novela na ipapalit sa magtatapos nang Pasan Ko Ang Daigdig two weeks from now.

Bago mag-Pasko, nag-taping na ang apat na bida ng Maging Akin Ka Lamang at nang nag-Christmas break, tumungo sa Singapore si Isabel. Pero ang alam niya ay may taping day for Jennylyn in between Christmas and New Year.

Kahapon ng umaga, January 3, nag-shoot ng publicity pictorial si Isabel for the show. Kahapon din lang niya nalaman na out na sa show sina Jennylyn at Patrick due to Jennylyn’s pregnancy.

Nadine Samonte and Polo Ravales replace Jennylyn and Patrick in Sabi ni Isabel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) through phone call, nabigla rin daw siya at hindi niya alam na papalitan sina Jennylyn at Patrick dahil wala pa namang sinasabi sa kanila.

Sa last presscon ng La Vendetta kagabi sa Greenhills, napag-alaman naming may desisyon na ang GMA-7 kung sino ang ipapalit sa kanila—sina Nadine Samonte at Polo Ravales.

First time pairing ito for Nadine and Polo na nagkaroon na rin ng tig-isa ngunit magkahiwalay na Sine Novela; si Nadine with Dennis Trillo sa Kung Mahawi Man Ang Ulap at si Polo naman sa Pasan Ko Ang Daigdig.

Naitanong namin sa isang production staff kung ano ang mangyayari sa mga na-tape nang sequences with Jennylyn and Patrick. No choice ang GMA-7 to re-tape these sequences, all forty of them.

Magpa-pilot na ang Maging Akin Ka Lamang end of this month.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: