Jennylyn Mercado and Patrick Garcia have no wedding plans yet

Hindi tulad ng naunang napabalita, walang kasalan munang magaganap sa pagitan ng magkasintahang Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.

Ayon sa GMA News, sumailalim si Patrick at ang girlfriend niyang si Jennylyn sa isang counseling kaninang hapon, January 3, sa sala ni Judge Selma Palacio-Alaras. Matapos nito ay kinumpirma ni Patrick ang bali-balitang anim na linggong buntis si Jennylyn at sinabi na hindi muna sila magpapakasal.

“Jennylyn is six weeks pregnant and that why I’m here, I would want to set things right sana to get married and panagutan siya. But, of course, the judge said marriage is… It is very easy to get married but to get married to reasons dapat,” pahayag ni Patrick.

Jennylyn Mercado and Patrick Garcia have no wedding plans yetSa kuwento ni Jennylyn, kinabahan daw siya nang ma-delay ang kanyang monthly period. Tinawagan daw niya si Patrick at agad naman siyang sinamahan upang kumuha ng pregnancy test.

Paglalarawan ni Jennylyn, “Takot muna yung nangibabaw. Kaba, takot, nerbyos, lahat na. Tapos, after nun, kasi kasama ko naman si Pat, e…”

Sa kanyang pagbubuntis, nakararanas na daw ng paglilihi si Jennylyn sa ngayon. Madalas daw na naiinis siya kay Patrick ng walang dahilan. Kasama rin ang pagkahilo, morning sickness and naghahanap ng iba’t ibang pagkain. Ilan sa mga ito, ayon kay Jennylyn, “Sandwich, ganun. Spaghetti parati, pasta parati.”

Handa namang i-give up ng first female grand winner ng StarStruck ang kanyang career alang-ala sa kanyang dinadalang anak. Sa katunayan, hindi na matutuloy ang tamabalan nila ng kanyang boyfriend sa Maging Akin Ka Lamang. Tanging TV guestings muna ang tatanggapin ang dalagang aktres, at walang regular shows.

Pahabol pa ni Jennylyn, “Importante naman kasi yung health ko and yung baby, so family muna, kami munang tatlo.”

NERISA ALMO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: