Jennylyn Mercado and Cristine Reyes — Kapuso or Kapamilya?

Parehong magtatapos sa February 2008 ang management contract ng StarStruck graduates na sina Jennylyn Mercado at Cristine Reyes sa GMA Artist Center. May option ang Artist Center para i-renew ang kontrata ng dalawang young actresses kaya walang silang choice kung papirmahin sila ulit ng kontrata kahit na may iba silang plano.

Pareho ring nababalita ang diumano’y paglipat nina Jennylyn at Cristine sa ABS-CBN.

JENNYLYN’S CASE. Si Jennylyn na lang ang natitirang alaga ng talent manager na si Becky Aguila sa GMA-7, pagkatapos magkalamat ang relasyon nito sa Kapuso network nang ilipat niya sa Kapamilya network si Angel Locsin. After Angel ay napunta na rin sa ABS-CBN ang iba pang mga alaga ni Becky gaya nina Valerie Concepcion, Charming Lagusad (Bakekang), at Ella Cruz (Super Twins).

Aminado naman si Jennylyn na naapektuhan nang husto ang career niya dahil sa alitan ng GMA-7 at ng kanyang manager. Wala naman siyang magawa dahil nakatali pa rin siya sa kontrata niya sa Artist Center.

Jennylyn Mercado and Cristine Reyes -- Kapuso or Kapamilya?

Noong kainitan ng away ng GMA-7 at ng manager ni Jennylyn ay nagpahayag ang young actress ng sama ng loob kay Becky dahil pati raw siya ay nadadamay sa ginawa nitong desiyon na ilipat si Angel sa kabilang network. Nagpahayag din si Jennylyn na hindi na niya ire-renew ang kontrata niya kay Becky once na mag-expire ito at mananatili siyang loyal sa GMA-7.

Pero biglang nagbago ng pahayag si Jennylyn nang sabihin niyang hindi niya isinasara ang kanyang pintuan para sa ABS-CBN kapag natapos na ang kontrata niya sa Artist Center. May mga lumabas ding balita na hindi na masaya ang young actress sa mga proyektong ibinibigay sa kanya sa GMA-7, partikular na ang La Vendetta kung saan gumaganap siyang multo, na pasulpot-sulpot lang ang mga eksena.

Matatandaang nag-backout din si Jennylyn sa Joaquin Bordado na pagbibidahan ni Robin Padilla. Ayon sa mga lumabas na report, tinanggihan diumano ni Jennylyn ang naturang proyekto dahil lalabas na supporting roles ang gagampanan nila ng makakapareha niya sanang si Mark Herras. Balitang pinalitan na ni Ryza Cenon si Jennylyn.

Bagama’t may mga usap-usapan pa ring lilipat si Jennylyn sa ABS-CBN, ang latest na balita ay pinapipirma na siya ng Artist Center ng panibagong kontrata. May bago rin siyang project sa GMA-7, ang TV remake ng Maging Akin Ka Lamang, kung saan ire-reprise niya ang role na unang ginampanan ni Dina Bonnevie. Makaksama ni Jennylyn dito ang real-life boyfriend niyang si Patrick Garcia, kasama sina Carlo Aquino at Isabel Oli.

So, tiyak nang Kapuso pa rin si Jennylyn kahit na magtapos ang kontrata niya sa Artist Center ngayong Pebrero.

CRISTINE’S CASE. Samantala, si Cristine naman ay nagsisimula nang maging visible sa ABS-CBN kahit na wala siyang pahintulot mula sa Artist Center. Sumama si Cristine sa kapatid niyang si Ara Mina sa Guam last month nang mag-guest co-host ang huli sa Wowowee ni Willie Revillame, na nali-link ngayon kay Cristine.

Bagama’t sinabi ni Cristine na sinamahan niya lang ang Ate Ara niya at hindi siya lalabas sa programa, napanood pa rin siya habang nakikipag-duet kay Willie. Depensa naman ni Ara, nakikipag-jamming lang daw ang kapatid niya sa TV host-comedian na malapit nilang kaibigan ni Cristine.

Dahil sa naging aksiyon ni Cristine, posible siyang sampahan ng kaso ng Artist Center dahil nakakontrata pa siya sa naturang talent arm ng GMA-7 hanggang sa susunod na buwan.

Nagsimula ang balitang lilipat na si Cristine sa Kapamilya nang tanggihan niya rin ang role na inaalok sa kanya sa Joaquin Bordado. Kinuha bilang kapalit niya ang isa pang StarStruck graduate na si Iwa Moto.

Then, nagbago na naman ang isip ni Cristine at tinanggap na niya ang Joaquin Bordado pagkatapos niyang itanggi ang kumalat na balita na magku-quit na siya sa showbiz. Pero ang pinakahuling balita ay tuluyan nang tinanggal si Cristine sa cast at si Iwa na talaga ang pumalit sa kanya.

Ngayon ay malakas ang bulung-bulungan na malaki ang posibilidad na mag-ober da bakod na siya sa ABS-CBN dahil madalas na siyang makita roon kasama si Willie. Sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Willie tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Cristine, sinabi ng TV host-comedian na walang namamagitan sa kanila ng magna-19 years old pa lang na young actress bukod sa pagiging magkaibigan. Dagdag pa ni Willie, tinutulungan lang daw niya ang nakababatang kapatid ni Ara sa career nito.

Isa pang posibleng rason ng napipintong paglipat ni Cristine sa ABS-CBN ay dahil nandoon na rin ang Ate Ara niya. Nagsimula na kasing mag-taping si Ara para sa afternoon soap opera na Prinsesa ng Banyera.

Sa ngayon ay wala pang balita kung papipirmahin ulit ng Artist Center si Cristine, gaya ni Jennylyn, o pakakawalan na nila ang young sexy actress.

Ayon naman sa ilang showbiz insiders na nakausap ng PEP, hindi raw makakaapekto sa GMA-7 kung saka-sakali ang paglipat nina Jennylyn at Cristine. Kung si Angel Locsin nga raw na pinakamalaking female star ng Kapuso network noon ang nawala ay hindi sila naapektuhan, siguradong makakahanap din ang Kapuso network ng papalit sa iiwanang puwesto nina Jennylyn at Cristine sa hanay ng kanilang young female stars.

ERWIN SANTIAGO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: