Fans cry foul over Jon Avila’s forced eviction from “PBB” house

Maraming reklamo ang natanggap ang second season ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition since it started. Ang mga housemates, labas-pasok sa Bahay ni Kuya, kaya nagmumukha raw itong MRT station. Ilan sa mga lumabas at bumalik muli ay sina Gaby dela Merced (nagpunta sa isang race- car seminar), Ethel Booba (ayaw niya na raw), at Mariel Rodriguez na isang guest housemate.

In the middle of the season, may isang ipinasok na housemate, si Gladys Guevarra, na bigla ring umalis.

May mga kanya-kanyang grupo ng fans ang nagrereklamo na minimal exposure ang ibinibigay sa kanilang mga paboritong housemates, kabilang na sina Riza Santos at Jon Avila.

Fans cry foul over Jon Avila's forced eviction from

May mga araw pa raw na halos hindi ipinapakita ang mga idols nila sa main show ng ABS-CBN sa Primetime Bida, or kung makikita man daw ay dumadaan lang. Ito rin ang naging reklamo ng mga subscriber fans nila sa 24/7 na halos lagi raw kina Mariel at Ethel nakatutok ang mga camera.

Ang hindi lang natanggap ng mga fans ni Jon, na sumulat hindi lang sa Endemol kundi pati sa mga bigwigs ng ABS-CBN, pinakamababaw na dahilan daw ang forced eviction kay Jon bago napili ang Big Four na sina Riza, Gaby, Will Devaughn, at Ruben Gonzaga.

Ang punto nila, mock nomination pa lang ang ginagawa ni Kuya that night. Ang pagtanggal kasi ng housemate will be through votes, kung saan tinanong sila kung sino ang apat na karapat-dapat na maging Big Four. Pinag-usapan nina Jon and the other four remaining housemates how they should vote.

There is an Endemol Big Brother rule not to talk about nomination outside of the confession room. Dahil dito, na-forced eviction si Jon at hindi na binasa ang dami ng nominations per housemate.

Iba naman daw ang mock nomination at actual nomination, sabi ng defenders ni Jon. Alam naman kasi ng lahat na hindi sa ganitong paraan gagawin ang pag-evict for the last housemates, kundi sa botohan.

Mas marami raw nagawang kamalian ang mga housemates in the past ngunit pinabayaan lang daw sila ni Kuya. Nandiyan ang pakikipag-usap ni Riza sa housemate na voted out niya, which is a far worst mistake, pero hindi siya naparusahan. Nagmumura at nagwawala raw si Baron Geisler nang kung ilang beses at minura pa si Kuya, pero kung ilang beses napatawad hanggang sa na-forced evict na rin. Si Mariel, kung ilang beses daw nagsalita ng mga hindi kagandahang komento sa ibang tao and yet pinapatawad.

Nagagalit ang mga supporters ni Jon dahil sinayang lang nila ang pagboto sa kanilang favorite housemate—hindi pala doon ibabase ang boto, at isang lame excuse lang ang naging dahilan sa pagkaka-evict ni Jon.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: