Jinkee Pacquiao ayaw magbayad ng utang

Dapat sana’y hindi na magsasalita pa ang namahala sa selebrasyon ng kaarawan ng bunsong anak nina Manny Pacquiao at Jinkee na si Princess, pero masamang-masama ang loob ngayon ni Heidi Lu, isang kilalang events organizer.

Ang unang ikinasasama ng loob ni Heidi ay ang impresyong pinakakalat ng kampo ng boksingero na sinamantala niya ang pagkakaroon ng pera ni Manny, parang sobra sa nararapat ang kanyang siningil sa mag-asawa, samantalang bago niya naman inimple­menta ang lahat ay pinadaan niya muna yun kay Jinkee at sinang-ayunan naman nito.

“Alam n’yo naman ang trabaho namin, ang client ang nasusunod. We can suggest, pero ang final decision pa rin, nasa kanila. Like sa birthday party ni Princess, bago ko binuo yun, pinadaan ko muna kay Jinkee ang lahat ng details.

“I can’t move without her approval, event organizer lang ako, I move within the budget of the client. Lahat ng nakita nila sa party, lahat ng gifts na ipinamigay sa party, lahat yun, dumaan kay Jinkee.

“It was a lavish party, totoong fabulous ang party ng anak nila, pero gusto kong sabihin na lahat ng gastos sa party, may receipts lahat yun, malinaw na malinaw.

“It’s not true na P1.5 million ang nagastos, ang original amount is one million three hundred twenty thousand, pero ang binayaran lang nila sa akin, one million.

“Marami kasing mga taong nakialam sa pag-uusap namin ni Jinkee, marami nang nagsulsol sa kanya ng kung anu-ano, kaya yung unang check na inisyu sa akin ni Jinkee, ipina-stop payment niya,” simulang kuwento ni Heidi Lu na si Claudine Barretto ang nagrekomenda kay Jinkee Pacquiao.

Paano raw namang hindi ganun kalaki ang aabutin ng birthday party ng anak nina Pacman at Jinkee, samantalang sa mga prizes pa lang para sa mga games ay sobrang laki na ng halaga ng mga regalong ipinamigay nila?

“Ang mga prizes, remote control toys, may ipina­migay rin silang iPod, namigay rin sila ng mga aso, puro mamahaling regalo ang prizes na ipinamigay nila.

“Si Jinkee dapat ang nagsabi sa akin na tama na, dahil sobra na ang gastos nila, pero hindi naman siya nagsabi sa akin. Yung mga toy dogs, ibini­gay nila sa mga bisita, yung mga RC toys, ipinamigay ni Jinkee sa mga kamag-anak niya.

“Siya ang dapat magsabi sa akin ng tama na, anytime naman, puwede kong ipahinto ang pamimi­gay ng prizes kung sa akala ng client, e, sobra na yun, pero she didn’t stop me.

“Nung ibigay ko na sa kanya ang complete list ng babayaran, ang sabi niya, pagod na raw siya, kaya kinabukasan na lang. So, the next morning, ibinigay ko sa kanya ang billing, sinabi ko sa kanya na maghihintay na lang ako sa labas, tingnan niyang mabuti kung anu-ano ang na-consume sa party.

“Pero ang sabi sa akin ni Jinkee, okey na, anyway, masaya raw naman sila ni Manny, masaya ang mga bisita nila nung umuwi, at napasaya nila si Princess,” kuwento uli ni Heidi Lu.

* * *

Nagulat na lang ang events organizer nung mag­karoon na ng mga kuwestiyon, marami nang naka­paligid kay Manny na nakikialam sa bayaran, bakit daw ang laki-laki ng inabot ng gastos sa party ni Princess?

“Sila na ang nangha-harass sa akin, question­able daw ang mga details na ibinigay ko kay Jinkee, kaya ipapa-stop payment ang check. Malaking problema yun sa akin dahil ang dami-dami kong babayarang suppliers, marami akong kausap sa pagbubuo ng party, bakit nun lang sila nagreklamo?

“Ang dami nang nakikialam, ang dami kasing taong nakapaligid sa kanila na kung anu-ano ang sinasabi sa kanila, one million lang ang binayaran nila instead na P1.320 M.

“Nung ibigay sa akin ni Claudine ang package, ang saya-saya ko pa naman dahil ako ang magbubuo ng party for Manny’s daughter. Paborito ko si Manny, kaya it’s really an honor for me to do it for them.

“Pero hindi pala sila marunong kausap, nakikinig sila sa sinasabi ng ibang tao, e, nakita naman nila kung ano ang naging positive result ng package na ipinresent ko at in-approve naman nila,” napapailing na sabi na lang ni Heidi Lu.

CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: