Bahay ni Claudine ninakawan!

Umaabot sa mahigit P300,000 halaga ng alahas at salapi ang natangay matapos na pagnakawan ng umano’y katulong ang tahanan ng actress na si Claudine Barretto-Santiago matapos mag-Noche Buena ang pamilya noong madaling araw ng Pasko, ayon sa pulisya kahapon.

Sa naantalang pagpapa-blotter sa Quezon City Police, sinabi ni Claudine na sinuspinde na niya bunga ng insidente ang serbisyo ng kanyang katulong na si Nancy Cruz alyas Gigi, 25 ng Brgy. Valencia, Quezon City.

Ayon kay Claudine, si Cruz ang pinaghihinalaan niyang nagnakaw ng kanyang mahahalagang mga alahas at salapi.

Ang insidente ay inireport lamang kamakalawa ni Claudine sa pulisya matapos na umalis si Cruz sa kanyang tahanan noong Miyerkules na dala ang lahat ng kanyang mga damit at hindi na bumalik.

Sinabi ni Claudine na nadiskubre umano niyang nawawalan siya ng P7,000 cash, diamond crusted na kulay pink, Technomarine watch na nagkakahalaga ng P300,000 , susi ng kanilang tahanan at BPI check book, anim na post-dated checks at birth certificate.

Nabatid na natuklasan ng actress na nawawala ang kanyang mga alahas at salapi dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Disyembre 25.

Ayon sa aktres, naghinala umano siyang may kinalaman si Cruz sa nakawan matapos itong umalis ng walang paalam at tangayin ang lahat ng kanyang gamit.

Sa pahayag ng guwardya sa bahay ng mga Barretto-Santiago, dakong alas-5:59 umano ng umaga noong Disyembre 26 nang umalis si Cruz kasama ang anak nitong batang lalaki.

Sinabi umano ng katulong sa guwardya na uuwi lamang siya para ihatid sa kanilang bahay ang kanyang anak at babalik dakong alas-9:00 ng umaga pero hindi na ito bumalik.

JOY CANTOS
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: