Mayor Lim, type pagbatiin sina Lolit at Piolo-Sam!

Aktibo ngayong taon sa MMFF si Mayor Alfredo Lim ng Maynila at binabalak raw niyang ibalik ang Manila Film Festival sa darating na June, dahil dito naman daw talaga nagsimula ang mga filmfest.

May mga kakausapin na raw siyang mga taong puwedeng humawak nito dahil kailangang maibalik naman daw ng Maynila ang sigla ng pelikulang Pilipino.

Napag-usapan namin ni Mayor Lim ang tungkol sa kasong isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby laban kay Manay Lolit Solis at wala naman daw siyang maibibigay na komento dahil wala raw siyang alam tungkol diyan kahit nasa City Hall ng Maynila pa ito isinampa.

Naniniwala si Mayor Lim na magkakaayos din sila dahil maliit lang naman daw ang mundo ng movie industry at dapat na magkaayos na lang at hindi na idaan sa demandahan.

Kinalimutan na raw niya ang matagal ng kaso ni Manay Lolit sa MFF scam at tingin naman daw niya ay malaki na ang natutunan doon ng Startalk host at ang iba pang mga taong involved.

Kaya itong huling kasong isinampa sa Maynila laban kay Manay Lolit ay wala naman daw kinalaman sa pagiging alkalde niya ng naturang lungsod.

“Si Lolit naman, dahil taga-media siya siyempre nagsulat naman siya ng medyo nakakakiliti sa mga mambabasa. Pero tingin ko wala naman iyun. Siyempre, hindi mo rin masisisi na masaktan ang ibang panig, pero siguro mas mabuting pag-usapan na lang nila at ayusin iyan,” pahayag ni Mayor Lim.

Willing ang alkalde ng Maynila na pag-ayusin sina Manay Lolit, Piolo at Sam. Kahit gawin pa raw ito sa kanyang tanggapan at okay lang sa kanya dahil nais naman daw niyang maging maayos na ang lahat at huwag nang palakihin ang ganitong kaso.

ABU TILAMZIK
Abante Tonite

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: