Cristine Reyes very visible in the company of Willie Revillame

Patuloy pa rin ang paglantad ng GMA-7 contract artist na si Cristine Reyes sa buhay ng Wowowee host na si Willie Revillame. Muling ipinakita si Cristine sa Christmas telecast ng Wowowee katabi ang anak ni Dra. Vicki Belo na si Crystalle Henares. Kaya posibleng magkasama diumano na nag-celebrate ng Pasko sina Willie at Cristine.

But before this incident, nakita rin sina Willie at Cristine na magka-holding hands sa Guam. Ipinalabas noong Sabado, December 22, ang duet nila sa noontime show ni Willie sa Guam, kung saan napakahigpit ng holding hands nila sa isa’t isa habang inaawit ang “Bakit Ngayon Ka Lang.”

Last Friday, December 21, nakasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Willie sa corridor ng dressing room niya pagkatapos ng Wowowee. Biniro namin si Willie na mukhang inspirado siya ngayon at kung si Cristine ba ang dahilan.

Cristine Reyes very visible in the company of Willie Revillame“Nandiyan siya [Cristine] sa loob,” sabay turo ni Willie sa kanyang dressing room.

A day before this, nakita rin si Cristine na kasama si Willie at Direk Edgar “Bobot” Mortiz sa dressing room ng TV host. Ayon sa aming source, nakipag-meeting si Cristine with Direk Bobot para sa bagong gag show ng ABS-CBN.

Ipinakilala na rin daw ni Willie si Cristine sa panganay na anak na si Meryll Soriano at sa na nitong si BecBec Soriano.

Sa kabila nito, itinanggi ni Willie na may relasyon sila ni Cristine.

“Hindi,” giit ni Willie. “Mabait at malambing lang si Cristine. Nag-enjoy siya sa company.”

Ipinaliwanag din ni Willie na nagkataon lang na nagkita-kita sila nina Meryll at BecBec habang kasama niya si Cristine sa Italianni’s. May business meeting daw sila with Direk Bobot at ang composer na si Lito Camo nang dumating ang mag-ina.

Iginiit ni Willie na tumutulong lang siya sa career ni Cristine.

May balita rin na ipapasok din daw Cristine bilang isa sa mga hosts ng Wowowee. Pero sabi ni Willie, “May contract pa siya sa GMA until February.”

Hindi naman itinanggi ni Willie na attracted siya sa beauty ni Cristine. But at the same time, aware siya na hindi pa siya puwedeng magkaroon ng bagong karelasyon dahil hindi pa annulled ang kasal nila ni Liz Almoro.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: