Blind Item: Eksena sa parada

Kung nasa isang malaking showbiz event ka, ang sarap magmasid. Ang dami mo kasing mapapansin, e. Ang mga artista, minsan nakakalimutan yata nila na public figure sila, na pinagmamasdan ang bawat kilos nila, kaya tuloy nasusulat sila sa mga blind items.

HEY, HEY, GO AWAY. Hindi namin alam kung matutuwa kami sa ginawa nitong isang “mama” kamakailan sa Parade ng Metro Manila Film Festival.

Ang siste kasi, habang nasa stage siya ay bigla itong tumayo sa kanyang kinauupuan at nagulat na lang ang lahat sa ginawa niya. Bigla kasi niyang pinaalis ang mga taong nasa gilid ng stage at itinaboy papunta malapit sa backstage.

pep-who-fence.jpgOkay lang naman iyon. Kaso ang iba sa mga itinaboy niya ay ang mga nakaupong manunulat, ang iba naman ay production staff ng MMFF, kasama ang dalawa pang hosts ng nasabing event na itatago natin sa mga pangalang Veronica at Simon.

Naawa kami sa female host dahil sa katatayo lamang niya nang mga oras na iyon nang bigla itong itaboy nang mamang opisyal, nakita namin sa mukha nito kung paano siya natakot at na-shock sa pangyayaring iyon.

Hindi na siya nakapagsalita at sumunod na lang sa utos ng mama, pero banaag sa kanyang mukha ang pagtataka at pagkabigla sa nangyari.

Ito namang si male host ay nagdahilan pa at sinabing, “Host po ako at pupunta po ako sa gitna.” Pero parang balewala ang dahilan nitong si male host dahil pinagsabihan pa rin siya na tumabi.

In fairness naman sa mamang ito ay gusto raw niyang makita ng mga tao na nanonood ng parade ang mga artistang nagpo-promote sa stage ng Quirino Grand Stand. Kasi nga naman ay nakaharang ang ilan sa mga tao doon sa gilid ng stage. Madali lang hulaan ang ating bida sa istoryang ito kung nanood kayo ng parade noong bisperas ng Pasko. Yung dalawang host naman ay parehong kapamilya. Yun na!

pep-who-sweet.jpg

LOVE ME TENDER, LOVE ME SWEET. Siyempre hindi nakaligtas sa Peeping Toms ang mga swit-switan moments ng ilan sa artistang nakasama sa parade.

Nariyan sina Guy at Girl na panay ang titig sa isa’t isa. Hindi na nila alintana ang presence ng press. Basta I-want-to-give-you-a-tender-look ang drama ng dalawa. Sabi nila, there’s nothing special between them, pero halos hindi sila naghiwalay nung araw na iyon. Super alalay pa si Guy kay Girl. How sweet. Gusto niyo ba ng clue? Huwag na, super giveaway na nito, e.

pep-who-hhww.jpg

Yung isang pair naman, nagkaroon yata ng glue ang mga kamay. Aba, walong beses na napadpad ang tingin namin sa dalawa, walong beses rin naming nakita na magkahawak ang kanilang mga kamay. Okay lang naman kasi parehas silang single, at in fairness, bagay sila. Magkalapit pa ang mga edad nilang dalawa. Pero kung sabihin nila na walang malisya iyon, bahala sila.
Clue? Sige isa lang, pareho silang may kapatid sa showbiz.

O ano pang hinihintay niyo? Bale marami-rami kayong huhulaan ngayon, pambawi namin sa matagal ng pagkawala ng Peeping Toms. Merry Christmas and Happy New Year!

NOEL ORSAL AND TRISH ALVAREZ
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: