2008 ni Marian fully booked na!

Talagang napaka-suwerte ng Marimar star na si Marian Rivera. Sa loob lamang ng anim na buwan ay isa na siyang malaking star.

Kung nagawang malaking star ng GMA-7 si Angel Locsin, nagawa rin nila ito kay Marian na isa ngayon sa mga goldmine ng Kapuso Network. Dahil sa pagiging consistent top-rater ng Marimar na pinagbibidahan niya opposite Dingdong Dantes, naka-line up na ang mga major projects ng GMA para sa kanya. Na-extend din ang run nito. Sa halip na ito’y magtatapos sa buwan ng Enero, aabutin pa ito hanggang Marso at may follow-up project na siya, ang remake ng Darna na siyang nagpasikat nang husto kay Angel.

 Kung tinangkilik ng mga manonood ang tambalan nina Angel at Richard Gutierrez, susubukan din ito kina Richard at Marian ng GMA hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

Katunayan, may ginagawa nang pelikula ang dalawa under GMA Films, ang A Very Special Love na siyang pang-Valentine offering ng kompanya. Kapag tinangkilik ang unang tambalan nina Richard at Marian at pelikula, tiyak na tuluy-tuloy na ang pagsasama ng dalawa.

Balak ng GMA na pagsamahin ang dalawa sa isang teleserye, ang Darna Meets Captain Barbell (tentative title) kapag natapos na pareho nina Richard at Marian ang kanilang magkahiwalay na telerserye, Kamandag kay Richard at Marimar naman kay Marian.

Sa totoo lang, punung-puno na ang schedule ni Marian sa taong 2008 dahil nakalatag na ang mga projects na kanyang gagawin hindi lamang sa telebisyon, pelikula kundi maging sa mga product endorsements. May dalawa ring entry si Marian sa MMFF, ang Bahay Kubo at Desperadas na parehong produced ng Regal Films.

Kay Marian kaya ibinaling ni Mother Lily Monteverde ang kanyang attention ngayong may problema siya kay Angel Locsin?

ASTER AMOYO
Pilipino Star Ngayon

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: