Marian Rivera mum about her ‘special someone’

Sa naging premiere night ng Bahay Kubo sa SM Megamall kagabi, December 19, sinalubong si Marian Rivera ng nga tanong kung sino ang nababalitang special someone niya na nabanggit daw niya sa kanyang interview sa YES! magazine.

Tatawa-tawa lang ang bida ng number one primetime show na Marimar at parang ayaw niya talagang banggitin kung sino ‘yon. Sabi ni Marian ay ibalato na lang daw sa kanya ito.

“Naku, huwag na lang. Mas maganda kung tahimik na lang ang side ng buhay kong ‘yon. Pabayaan na lang na ako na lang ang gambalain ng mga intriga. Please, ibalato n’yo na lang sa akin ‘yon,” nakangiting pakiusap ni Marian.

Kaya naman pala hindi nawawala ang mga ngiti ni Marian dahil hindi pala malamig ang kanyang Pasko ngayong taon.

“Paano naman lalamig ang Pasko ko, e, nagpapainit sa akin ay ang pamilya at mga kaibigan ko sa trabaho? Hindi puwedeng lumamig ang aking Pasko dahil parati itong mainit!” tawa niya.

Kasing-init ba ng kanyang lovelife ang buhay-pag-ibig ng mga co-stars niya sa Desperadas na sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, at Iza Calzado?

“Ay, hindi ko alam ang tungkol sa lovelife nila, e,” sagot niya. “Hindi ako nagtatanong kasi. Pero mukha naman silang happy lahat noong nagsu-shooting kami. I guess mainit din ang mga Pasko nila ngayon.” – Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: