Captain Barbell will fly again with Darna come 2008

Gumawa ng movie ad trailer ang GMA-7 para sa mga bagong primetime shows nito for 2008. Ipapalabas ang nasabing trailer sa lahat ng sinehan starting this Christmas, sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival 2007. Hindi pa man nagsisimula ang MMFF, ipinakita na ito sa premiere night ng Resiklo noong Sabado sa SM Mega Mall.

Sandwiched ang apat na shows sa pinaka-teaser ng Valentine movie ng GMA Films at Regal Films na A Very Special Love, ngunit si Richard Gutierrez lang ang ipinakita, with a blurb that says, “she is definitely coming this Valentine.”

Ang unang ipinakita ay ang Joaquin Bordado nina Robin Padilla at Iza Calzado. Heavy ang special effects ng trailer dahil nabubuhay ang mga tattoo sa katawan ni Robin as Joaquin Bordado na parang nag-a-apoy.

From the direction of Mac Alejandre and Argel Joseph, Joaquin Bordado also stars Mark Herras, Iwa Motto, and Cristine Reyes, although may usap-usapan na planong lumipat ng bakuran ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.

Ang ikalawa ay ang napaka-glossy na Babangon Ako At Dudurugin Kita, ang kauna-unahang Sine Novela for primetime. Ang dalawang magiging kontrabida sa soap ang ipinakita muna, sina Marvin Agustin at Angelika Dela Cruz, bago lumabas as separate shot sina Yasmien Kurdi at JC De Vera.

Ito ang mag-aakyat sa tambalan nina Yasmien and JC sa primetime after lording the afternoon slot with two successive and successful Sine Novela, Pati Ba Pintig Ng Puso at Pasan Ko Ang Daigdig. Ito rin ang pagbabalik ni Joel Lamangan sa primetime ng GMA, his last project was in 2002, Kung Mawawala Ka.

The third soap is Mars Ravelo’s Dyesebel. Dahil wala pang napipiling artista na gaganap sa soap, nakatalikod lang palagi si Dyesebel.

Ang pang-apat ang ikinagulat ng audience dahil bagama’t nasusulat nang magbabalik si Darna, hindi inakala na makakasama niya pala rito si Captain Barbell. The tentative soap title is Captain Barbell Meets Darna.

Si Richard Gutierrez pa rin ang naka-peg na gaganap bilang Captain Barbell, although hindi pa alam kung mauuna ba ito or ang kaniyang Gagamboy once his Kamandag finishes by first quarter of 2008.

Wala pa ring napipili ang GMA-7 na gaganap bilang Darna, na unang ginampanan ni Angel Locsin. Sa 7th floor (Entertainment TV) ng GMA Network Center, puwedeng mag-cast ng vote ang mga empleyado kung sino ang gusto nilang maging Darna.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: