Ara Mina answers issues linking Cristine to Willie Revillame

Nagkaroon ng presscon ang Prinsesa ng Banyera para kay Ara Mina nitong ika-20 ng Disyembre, at inusisa siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mga balitang kumakalat tungkol sa kanyang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes.

CRISTINE AND WILLIE? Maugong ang usap-usapan na may namumuo raw na relasyon sa pagitan ni Cristine at ng Wowowee host na si Willie Revillame.

Nang tanungin siya ukol dito, nalilito at tila walang maibigay na diretsong sagot si Ara. Aniya, “Hindi ko pa alam kasi wala pa tayo sa stage na ‘yan. So, ‘pag nasa stage na ‘yan, doon ko lang malalaman kung ano ang totoo sa kanila.

Ara Mina answers issues linking Cristine to Willie Revillame

Kumbaga, wala pa tayo sa sitwasyon na talagang… kunyari sitwasyon na, ‘O, sila na.’ So, hindi ko pa alam ang feeling kasi ang alam ko, wala… friends lang sila.”

Wala bang kaso sa kanya kung halimbawa ngang totooang balita?

“Ah, ang hirap. Pappi…” panawagan niya kay Willie. “Hindi ko pa alam. E, ilang taon na ba si Meryll [Soriano]? Lagi ko namang sinasabi ito kay Pappi. Niloloko ko siya, my age and age ni Cristine, i-plus mo, is his age,” aniya.

Sa Guam nga raw nabuo ang friendship nina Cristine at Willie ngunit pinabulaanan ito ng leading lady ni Manny Pacquiao sa Anak ng Kumander. Ang paliwanag niya, “Lagi nga kaming magkatabi ni Cristine. Para kaming kambal-tuko nung nasa Guam kami.”

May mga nakapagkuwento na lagi raw magka-holding hands sina Cristine at Willie sa Guam, totoo ba?

“E, mahilig naman makipag-holding hands…kahit ako nga hino-holding hands ni Willie, e. Ganun naman talaga siya. Normal lang s’yempre, lalakad kayo, hahawakan ang kamay. Kahit nga yung mga dancers, hinahawakan niya ang kamay, e. It’s normal,” ang depensa ng nakatatandang kapatid ni Cristine.

Ipinakilala na rin daw ni Willie si Cristine sa anak niyang si Meryll at sa ina nito na si BecBec Soriano?

“Hindi ko alam ‘yan,” ang mabilis niyang sagot. “Tawagan nga natin si Willie. Hindi ko alam, e.”

Kung siya ang papipiliin, kanino siya boto—kay Willie o Dennis?

“Ay, ano ba ‘yun? Pwede ba akong mag-disappear ngayon? Hahaha,” ang pabiro niyang sagot. “Uhm, feeling ko ano…malaki na siya alam na niya ang dapat gawin. Niloloko ko rin si Pappi kasi siyempre, magkaibigan kami. Magkasabay kaming pumasok sa ‘Sang Linggo nApo Sila. Host kami so, kilala ko na siya. So, parang…‘Ano ba? Ano ba’ng ano mo?’ Hindi mo alam, kung nagbibiro o seryoso. Syempre, ayaw naman natin masaktan ‘di ba?”

CRISTINE AND DENNIS? Sa kabila ng pagkaka-link ni Cristine kay Willie, may mga nagsasabi na patuloy pa rin daw ang relasyon ng kapatid ni Ara kay Dennis Trillo.

Napabuntung-hininga muna si Ara bago nakasagot. “Buti na lang hindi ako namomroblema sa mga lovelife na ‘yan. Si Cristine pagdating sa love life, ayaw kong pakialaman. Kumbaga, hinihintay ko siya na mag-open.”

Dagdag pa ni Ara, “Actually, okey na kami ni Cristine simula nung nagkaroon ng isyu about sa kanila ni Carlene, naging close na kami. Sinabi ko naman sa kanya na boto ako kay Dennis. Pero s’yempre bilang kapatid, nagpapaalala rin ako sa kanya. Kumbaga, after what happened nga before na nagka-ano [gap] kami…hindi na ako nakikialam. Pero parang mas nakaganda kasi kung may nagawa man siya, natututo siya. Nare-realize niya. She learned from her mistake.”

Pero bilang kapatid, may ideya ba siya kung ano ang nararamdaman ni Cristine para kay Dennis?

“Syempre normal lang yun na hindi naman agad maaalis yun na mahal pa niya yung tao. Pero siguro nasa stage sila na parang…ah, ayusin muna natin ang mga bagay-bagay ‘di ba?”

Nang usisain naman si Ara kung pinagsasabay ba ni Cristine sina Willie at Dennis?

“Ah, hindi. Ang masasabi ko naman sa kapatid ko, kapag meron siyang boyfriend, isa lang. Ganun kaming magkapatid kapag nagmahal,” paniguro niya.

CRISTINE TRANSFERS TO ABS-CBN? Nung Huwebes ay nakipag-meeting si Cristine with Direk Edgar “Bobot” Mortiz para sa bago nitong gag show, ang Banana Split. Lilipat na ba ang StarStruck Batch 1 alumna sa Kapamilya network?

Aniya, “Hindi ko pa alam kasi hindi pa kami nakakapag-usap ng sister ko. Hindi ko rin alam kung sino ang nagma-manage ng career niya. She’s on the right age naman and nandito lang naman ako kapag kailangan niya.”

Ipinalabas na kanina sa Wowowee ang show ni Willie sa Guam. Ipinakita doon na nag-duet sina Wilie at Cristine. Hindi kaya magkaroon ng isyu tungkol dito? Bago umalis ng bansa si Cristine, nabanggit nito na sasama lang siya as companion ni Ara. Mahigpit din daw siyang pinagbawalan ng GMA Artist Center na mag-perform.

“Hindi, ano ‘yun, e, jamming lang. Pero naka-working permit naman si Cristine. Sinabi ko naman sa kanya, ‘Are you sure okey lang ba na kumanta ka,’ ganun. ‘Tsaka hindi talaga show na ano ‘yun…Parang tinawag lang siya para makipag-jamming. I don’t see anything na ikagagalit ng GMA. Kasi ang contract naman niya, sa pagkakaintindi ko, ‘di ba may ano sila, option. Tapos na yung contract niya pero may three months [sic] option na kumbaga hindi exclusive. Medyo hindi ko na ano, e, yung lawyer lang ang nakakaintindi.

“But they’re [GMA-7] planning to renew her contract. Hindi na siya GMA Artist [Center]. May sarili ring isip ang kapatid ko. So, ayokong ipagpilitan na ako na lang ang manager mo. But as much as possible, mas gusto ko ako para mas maalagaan ko siya at mabigyan siya ng tamang projects. At least may concern dahil ako nga siguro ang magiging manager na hindi kukuha ng commission sa kanya,” ang pagtatapos ni Ara.

JULIE G. BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: