Rainier Castillo: From Sheena Halili to Stef Prescott?

Sa ginanap na Christmas telethon ng GMA para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) last December 16 sa GMA-7 Studio, marami ang nagulat nang makita nila ang StarStruck 4 Avenger na si Stef Prescott na umiiyak sa isang sulok kasama ang isa sa cast ng Marimar na si Sheena Halili.

Kuwento ng aming source na nakakita ng pangyayari, parang nagko-confide si Stef kay Sheena habang umiiyak ito. Si Sheena naman ay nakayakap kay Stef at pinapatahan ang kasama.

Marami tuloy ang nagtatanong kung ano kaya ang nangyari kay Stef at bakit umiiyak siya kay Sheena. Tuloy, bumalik ang issue regarding kay Rainier Castillo na na-link kina Stef at Sheena.

From Sheena Halili to Stef Prescott?

Una kasing naging girlfriend ni Rainier si Sheena noong nasa StarStruck pa sila. Pero bigla na lang silang nag-break nang mas piliin ni Rainier na mag-concentrate sa loveteam nila ni Yasmien Kurdi. Pero nauwi rin ito sa wala dahil napunta naman si Yasmien kay JC de Vera.

Noong nagsisimula pa lang sa StarStruck si Stef ay na-link na siya kaagad kay Rainier. Nag-umpisa raw sa pa-text-text hanggang sa mauwi na raw sa totoong ligawan.

Sabi naman noon ni Stef, nakikipagkaibigan lang daw si Rainier that time at hindi raw siya nagpaligaw talaga. Pero good friends naman daw talaga sila ni Rainier.

Ngayon ay parang marami ang naniniwala na nagkaroon ng sikretong relasyon sina Stef at Rainier. Kaya ngayon ay umiiyak si Stef sa ex-girlfriend ni Rainier na si Sheena.

Ang tanong ay kung bakit umiiyak si Stef. Nahuli ba niyang may ibang babae si Rainier? Nag-compare notes kaya sila ni Sheena?

That same night ay um-attend si Stef ng Christmas party ng Entertainment Press Society or ENPRESS. Mukhang maaliwalas naman ang kanyang mukha at walang bakas na umiyak ito o masama ang loob sa kahit kanino.

RUEL MENDOZA

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: