Age gap is not an issue for 16-year-old Jiro Manio and his 21-year-old girlfriend

Matipid magkuwento sa kanyang love life ang young actor na si Jiro Manio. Ang sinabi lang niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam namin siya ay pang-apat na girlfriend na niya ang karelasyon niya ngayon. Nagsimula raw siyang magka-girlfriend when he was 12 or 13 years old at tuluy-tuloy na ang pagka-in love ng bagets.

Nahalata ng PEP na ayaw sagutin ni Jiro ang mga tanong tungkol sa kanyang present girlfriend. In love lang siya at hindi rin napigilang “ipagyabang” ang girlfriend.

“She’s 21 years old, nagtatrabaho at ipinakilala ng mga kaibigan ko. Five months na kami at masaya ako sa kanya. Magkasundo kami sa lahat ng bagay at ‘pag tumatawa ako, tumatawa rin siya,” pagmamalaki ni Jiro.

Age gap is not an issue for 16-year-old Jiro Manio and his 21-year-old girlfriend

Ano pa ang mga bagay na nagustuhan ni Jiro sa kasintahan?

“Mabait siya at sobrang naiintindihan niya ako,” sagot niya. “Kasalo ko rin siya sa lahat ng bagay. Na-a-appreciate ko yung kahit pagod siya, ‘pag nagyaya akong mag-Time Zone o mag-basketball, game siya. Tinutulungan din niya ako sa assignments ko.”

Sixteen years old lang si Jiro at 21 years old naman ang kanyang girlfriend. Hindi ba nila naging problema ang kanilang age gap?

“Hindi at never naming naging problema ang agwat ng edad namin. Lahat ng pang-iintindi, sa kanya ko nakita at alam ko ring ako lang ang mahal niya,” pahayag ng dating child actor na lumabas sa pelikulang Magnifico.

Nahirapan ang PEP na kundi “siya” ay “girlfriend mo” kung i-address namin ang nobya ni Jiro, kaya sinubukan naming alamin ang pangalan nito. Hindi lang successful ang PEP dahil ayaw talaga sabihin ng young actor ang pangalan nito sa pakiusap na rin daw ng babae. Natatakot daw itong masulat at maintriga.

Hindi pa rin nag-give up ang PEP at hiningi namin kay Jiro kahit ang first letter ng pangalan ng kanyang kasintahan. After a few minutes, pumayag din ang binata kaya nalaman namin na letter L ang start ng name nito. Pinagtawanan nga ng young actor ang PEP sa mga binanggit na pangalan ng babae na nagsisimula sa letter L.

Dagdag pa ni Jiro, ang maganda sa relasyon nila ni L, aprubado ito ng ama niya. Kahit mas matanda sa kanya ang nobya, hindi tumutol ang ama ng young actor dahil nakikitang masaya siya at mas inspired siya sa pag-aaral at sa pagtatrabaho.

Nag-dare ang PEP kay Jiro na isama niya ang kanyang girlfriend sa premiere night ng Bahay Kubo mamayang gabi, December 19, pero umiling ang young actor.

“Nakakatawa nga at ang ibang tao pa ang nagre-react. Ang dami kong nababasa sa Internet at karamihan, hindi maganda ang comment. Hindi ako nao-offend, natatawa lang ako, pinagtatawanan lang namin ng GF ko. Sinasabi ko sa kanya at minsan, nababasa niya, pero wala silang pakialam sa amin,” pagtatapos ni Jiro.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: