Marky Cielo-Kris Bernal-Aljur Abrenica love triangle is now brewing

Almost complete ang cast ng youth-oriented show ng GMA-7 na Boys Nxt Door sa Christmas party ng show nila kagabi, December 16, in a new bar sa Tomas Morato.

Late na kaming dumating sa party because of three prior engagements of the same schedules, ngunit inabutan naman namin halos lahat ‘tulad nina Marky Cielo, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Rich Asuncion, Stef Prescott, Jessie Corcuera, Benjie Paras, and some of the semi-regulars/guests of the show na sina Paulo Avelino, Ailyn Luna, and Prince Stefan.

Marky Cielo-Kris Bernal-Aljur Abrenica love triangle is now brewing

Hindi namin namataan si Glaiza de Castro, late nang dumating si Mart Escudero na nanggaling sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll 9. Pauwi na kami nang humabol si Jenica Garcia who also had a prior engagement.

Habang nagkakasayahan sa raffle prizes ang party, napansin namin ang seating arrangement ng mga artista sa kabilang side ng kinauupuan naming. Sina Marky at Kris ang magkatabi sa sofa at nasa ibang sofa naman si Aljur kung kaya’t lumapit kami para makipag-usap sa kanila.

Pinabasa namin ang isang text message na nagpasimula ng issue na may nangyayaring love triangle daw kina Marky, Kris, at Aljur—hindi lang sa storyline ng Zaido kundi pati off-cam. Tawanan bigla sina Kris at Marky at halatang nagulat si Aljur na may ganitong issue.

Si Marky ang unang tinanong namin kung totoong pumuporma siya kay Kris.

“Hindi po. Niloloko nga ako ni Kris na isa siya sa naniniwala na bakla raw ako, e!” sagot ni Marky.

Tinanong naman namin si Kris kung bakit niloloko niyang bakla si Marky.

“E, kasi po kapag nag-uusap kami, palagi kong tinatanong bakit ang tanda na niya [Marky], pero wala pa ring girlfriend,” paliwanag ni Kris.

“Nineteen lang ako,” sabat naman ni Marky.

Si Aljur naman ang tinanong namin kung alam niya ang triangle issue.

“Siguro po kasi nakikita nila na close kami ni Kris at close din sila ni Marky, pero wala naman po yatang ganoon,” sabi ni Aljur.

Kung hindi nanliligaw si Marky kay Kris, bakit hindi niya ito ligawan? Napayuko na lang si Aljur na tila nahihiya, instead of answering. So we threw the question kay Kris kung nanliligaw na ba sa kanya si Aljur.

“Ewan ko po sa kanya,” nakangiting sagot ni Kris.

Balik tanong namin kay Marky kung bakit nga ba puro link lang siya sa mga babaeng nakaka-partner niya, pero wala siyang nililigawan.

“Focused lang po [sa career],” sagot niya.

Inamin din ng StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na hindi siya nanliligaw kay Lovi Poe dahil partners lang sila. Pa-intriga naming binanggit ang interview namin kay Lovi to which she said na hindi naman sila talaga close ni Marky.

“Friend lang naman po talaga kami ni Lovi, pero hindi kami talaga ganoong ka-close,” sagot ni Marky.

Inulit namin ang tanong sa tatlo na kung wala ba talagang love triangle na nangyayari sa kanila at lahat sila, sumagot na wala raw.

Sunod na tanong namin, bakit sina Marky at Kris ang magkatabi at si Aljur ang nakahiwalay. Tawanan ang tatlo at sinabing wala naman daw ‘yon, nagkataon lang dahil umalis ang nasa gitna nina Kris at Marky na si Stef Prescott.

Still, the fact na sila ang magkakasama sa isang sofa with Aljur separate is a form of body language. Paalala namin, subconsciously, puwede namang sina Kris at Aljur ang magtabi with Marky on the other sofa. Tawanan na lang ang sinagot ng tatlo.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: