Lovi Poe prefers Prince Stefan over Cogie Domingo and Marky Cielo

Marami ang humuhulang ang young actress-singer na si Lovi Poe could be one of the next important stars of 2008. An ingénue of Leo Dominguez at anak ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., Lovi was given two big shows sa GMA-7 as a way of introducing her—sa last season ng Love To Love at sa Bakekang.

In both shows, si Cogie Domingo ang nakatambal niya with Marky Cielo as their triangle sa Bakekang. Both guys were linked to Lovi ngunit nanatiling safe ang dalaga in getting into a relationship dahil focused siya sa kanyang acting and singing career.

Another young actor was recently linked to Lovi, si Prince Stefan, her partner endorser sa Bratt clothing line. Fans recognized their chemistry together that some of them formed a fans club right after their first team-up sa isang episode noon sa Mga Kuwento Ni Lola Basyang.

Lovi Poe prefers Prince Stefan over Cogie Domingo and Marky Cielo

Currently, Lovi is part of the big sci-fi soap of GMA-7 na Zaido: Pulis Pangkalawakan, opposite Marky again. Sa current storyline, nagkakaroon ng love triangle sina Marky, Kris Bernal, at Aljur Abrenica na balitang nangyayari rin daw off-cam.

Isa si Lovi sa mga um-attend ng Christmas party ng Regal Entertainment last night, December 16, dahil introducing siya sa pelikulang Shake, Rattle & Roll 9 “Christmas Tree” episode. Pinag-react namin si Lovi sa triangle issue nina Marky, Kris, at Aljur at ngumiti muna nang pagkaganda-ganda ang dalaga bago sumagot.

“May ganoon po?” balik-tanong niya sa amin. “I don’t know po kasi hindi ko sila kasama sa set. Sila kasi ang magkakasama sa taping, hiwalay ako. Si Marky lang ang nakakasama ko. I don’t ask him naman.”

Tinanong namin si Lovi kung hindi ba nanliligaw si Marky sa kanya dahil minsan na rin itong naibalita. Hindi raw, sagot na diretso ni Lovi.

“Wala pong nanliligaw sa akin,” dagdag niya na parang alam niya ang susunod naming itatanong sa kanya.

Katuwaang tinanong namin hypothetically si Lovi na kung sakaling manligaw nga sina Cogie, Marky, at Prince, sino ang mas bibigyan niya ng pansin?

Ayaw niya munang sumagot, but since it is just hypothetical, pinag-compare na lang ni Lovi ang mga katangian at estado ng tatlong binata.

“Si Prince po kasi, napakabait. Si Marky, we’re not that close naman talaga. Si Cogie po, there is no more communication,” pahayag ni Lovi na para na ring sinabi na it would be Prince.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: