Katrina Halili and Marian Rivera have talked things over privately

Nasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Katrina Halili sa Christmas party ng GMA-7 na ginanap sa Amoranto Stadium sa Roces Avenue, Quezon City, last December 14. Hindi sila nagpang-abot ni Marian Rivera dahil maagang umalis ang lead star ng Marimar sa naturang Christmas party.

Nagmamadali nga ring umalis si Katrina dahil kasama siya sa birthday show ni Allan K noong gabing iyon sa Zirkoh. Pero nakorner pa rin namin si Katrina para ipaabot ang Christmas wish ni Dingdong para sa kanila
ni Marian.

Katrina Halili and Marian Rivera have talked things over privately

Natuwa naman si Katrina sa sinabing iyon ni Dingdong para sa kanila ni Marian. “Regarding naman sa mga lumalabas, siguro ang pagiging honest ko lang naman ang pinapadama ko. Ako naman, kung okay kami ng isang katrabaho ko, e, di okay kami. Walang problema. Pero kung hindi kami okay, bakit ko sasabihin na okay kami, ‘di ba? Kilala n’yo ako na hindi nagkukunwari, ‘di ba?” ngiti ni Katrina.

Pero nabanggit din ni Katrina na nagkausap na sila ni Marian. Hindi na lang niya dinetalye ang naging pribadong pag-uusap nila.

“Maayos naman na lahat. Nagkausap na kami at tuloy ang trabaho namin. Hindi ko na kailangan na i-elaborate pa. What’s important ay maayos na kami.”

Kung okay na sila ni Marian, ano ang Christmas wish ni “Angelika” para kay Marimar?

“Ano nga ba?” matagal na pag-iisip ni Katrina. “Mahirap mag-wish sa isang tao na meron na ang lahat, ‘di ba? Siguro happiness na lang at peace of mind. Lahat tayo ay kailangan ‘yon, ‘di ba?”

Hindi na raw uuwi sa kanyang hometown na Puerto Prinsesa, Palawan, si
Katrina ngayong Pasko dahil marami raw siyang trabaho bago sumapit ang Pasko. Kasama kasi siya sa Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment na Shake, Rattle & Roll 9. May taping din daw sila ng
Marimar sa December 27. Kaya mabibitin lang daw ang bakasyon niya kung uuwi pa siya ng Palawan.

“Dito na lang ako sa Manila magki-Christmas. Baka samahan na lang ako dito ng mommy ko kung luluwas siya rito for Christmas. Work lang tayo nang work kasi, kaya wala akong mami-miss sa Pasko. Kawawa naman ako. All work and no play!” natatawang pagtatapos pa ni Katrina Halili.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: