Dingdong shares his observations on Marian and Katrina while taping “Marimar”

Sa ginanap na Christmas/Thanksgiving party para sa entertainment press ni Dingdong Dantes last December 14 at Centerstage sa may Tomas Morato at Timog Avenue ay hindi nakawala ang host ng naturang party sa mga intriga.

Tinanong si Dingdong tungkol sa diumano’y ‘di pagkakaunawaan ng mga kasama niya sa Marimar na sina Marian Rivera at Katrina Halili.

Lumabas ang balitang hindi raw nagpapansinan sila Marian at Katrina sa set ng Marimar. Tuwing may eksena lang sila nagkakausap pero off-cam ay dedma ang dalawa.

Dingdong shares his observations on Marian and Katrina while taping

Ayon kay Dingdong, hindi raw siya nagtatanong kung ano ang nangyayari sa dalawa. Ayaw daw niyang matawag siyang chismoso. Inoobserbahan lang niya ang dalawa at naiintindihan niya kung bakit gano’n ang dalawa.

“Siguro may proper time and place na magkakasundo rin ang dalawa. Napapansin ko lang naman na pareho silang tahimik and they have their own place kapag magkakasama kami sa taping. It’s normal naman kasi may kanya-kanya silang mga kasama at pareho silang nagku-concentrate sa characters nila.

“Ako naman, ayokong makialam sa kanila kasi mga babae ang mga iyan. Hindi mo sila mapipilit na mag-usap kung ayaw nila. Pero sa pagkakaalam ko, parang nagkausap na sila. Hindi ko lang alam kung kelan ‘yon at kung ano ang pinag-usapan nila. Sila na lang siguro ang kausapin n’yo diyan.”

Ano naman ang Christmas wish niya para kila Marian at Katrina? “As always, gusto ko lahat ng mga pangarap nila ay matupad. And also kung totoo ngang hindi sila nag-uusap, wish ko ay maging friends na sila. Mas maganda kasi iyon for all of us sa cast ng Marimar. Magandang makita ng maraming tao na we are all getting along.”

Inusisa rin ng press ang tungkol sa naging kissing scene nila ni Nadine Samonte sa isang eksena sa Marimar. Si Nadine ang gumaganap bilang Inocencia sa naturang show at isa ito sa magiging hadlang sa pag-iibigan nila Sergio at Marimar.

Nangiti lang si Dingdong nang tanungin siya tungkol sa eksenang iyon with Nadine.

“Actually first time namin ni Nadine gawin iyong gano’ng eksena. Nakatrabaho ko na siya sa ibang shows pero ngayon lang kami nagkaroon ng kissing scene.

“Dapat may kissing scene na kami before pa, pero she wasn’t ready that time kaya pinagpaliban muna namin iyon. Then noong tanungin siya ulit, okey na raw sa kanya.

“Nakakatuwa kay Nadine is that she’s very professional at napakagaling na artista. Noong gawin namin yung eksena, she was prepared already. Tinanong ko pa nga siya kung okay siya, ang she said she’s okay.

Mabilis naming nakunan ‘yung scene na iyon at natuwa naman ako kay Nadine because she showed us na napaka-professional niyang artista.”

Naikuwento ni Nadine na medyo kinabahan daw siya sa eksena nilang iyon. Sanay nang makipag-kissing scene si Nadine sa ibang naging leading men niya tulad nila Dennis Trillo, Oyo Sotto at Dion Ignacio. Pero kay Dingdong daw siya kinabahan ng husto.

Ano naman ang reaction ni Dingdong tungkol dito? “Talaga? Well, hindi niya pinahalata na kinakabahan siya. Like what I said, gano’n ka-professional si Nadine. Ako naman, hindi ko pipilitin ang sinumang katrabaho ko na makipag-kissing scene sa akin kung ayaw niya. Respeto lang iyon sa katrabaho ko.”

May tumanggi na bang aktres na makipag-kissing scene kay Dingdong?

“Ah… parang wala pa!” malakas na tawa ni Dingdong. “Yung kissing scene naman, trabaho ‘yan. Kasama sa ginagawa namin sa Marimar. Ang sa akin naman, kung umayaw, huwag pilitin. Kung okay, e, di sige, halikan na!” pagtatapos ni Dingdong.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: