Baron palayasin sa ‘Bahay ni Kuya’!

Hindi lang kami ang natutuliro na sa mga pinaggagawa ng mga nasa loob ng Bahay ni Kuya sa PBB. Sa halip na mga role models na kabataan at mga artista ang ipasok sa Bahay ni Kuya, kung sinu-sinong questionable ang mga characters ang ipinapapanood sa milyong televiewers here and on TFC abroad. ‘Yan ba ang klase ng mga Filipino na puwede nating ipagmalaki sa ibang bansa?

Nung una ay si Keanna Reeves, ang “terror ng senado” ang ipinasok at ginawa pang big winner. Now, what has happened to Keanna after that? Umasenso na ba ang buhay niya? Or may na-impart man lang ba siyang magandang leksyon sa buhay na karapat-dapat pamarisan ng ibang kababaihan?

Mas lalo ba siyang sumikat at umasenso sa buhay-artista niya? O lalo lamang siyang bumulusok pababa at nawalan na ng career?

Big winner din si Kumander Nene. After hitting the jackpot nag-asawa na siya and then quiet na sa paligid niya.

Itong current PBB na tinatawag nilang celebrity edition na wala namang celebrity na nanduon except mga taong wala na rin namang mga career – wala pa ring magandang ehemplo ang naipapakita ng mga nanduon.

I don’t know if this edition was meant to make a laughing stock out of the participants – or what?

Almost everyone is an example of bad taste. Maging ang hinahangaang si Mariel Rodriguez ay inulan ng katakot-takot na pintas mocking showbusiness that she’s into.

The worst character inside Kuya’s house ay itong si Baron Geisler who doesn’t act a bit like a baron – but a genuine bum!

Nalasing siya nung isang gabi at ang mga pinaggagawa niya are acts not to be shown on national television. Pinagmumura niya si Kuya. He nearly “raped” everyone inside the house. Dinispley niya sa harap ng TV cameras ang marumi at lumang brief niya na pagkatapos ay isinuot niya sa ulo niya!

Aba, highly tolerant si Kuya sa isang housemate, huh! If I were Kuya right then and there, lasing man at nakahubad ay pinalayas ko na ang Baron na ‘yan sa loob ng bahay ko, noh!

Bakit hinayaan ang spoiled brat na maging center of attention sa isang pakontes looking for an ideal housemate? Ano pang ginagawa ni Baron Geisler sa Bahay ni Kuya after siyang malasing and acting like the favored one?

Ibinigay lahat ng hinihingi niya, pati na sigarilyo! And everyone inside the house were attentive to this character who doesn’t deserve to be inside Kuya’s house.

Tapos inaasahan pa ni Kuya ngayon na iboboto siya ng mga kunsintidor na texters for Baron to still remain inside Kuya’s house?

Toni Gonzaga later issued a disclaimer justifying Baron’s uncanny behavior. Gusto lang daw makita ang tunay na karakter ng isang nalalasing.

Then, why didn’t Kuya shop for a true-blue lasenggerong tomador by the sidestreets? Why one na kabilang pa mandin sa pinagpipitagang miyembro ng magic kingdom?

‘Yan ba ang mga ipinagmamalaki ng magic kingdom – characters with uncanny behavior?

How can you justify a wrongdoing?

Matagal nang napapansin ang kakaibang patakaran ngayon sa loob ng Bahay ni Kuya. Nandiyan ang mga labas-masok. Puwede ba naman ‘yung voluntary exit ka na tapos pag type mong mag-return bout admitted ka uli? As if nagpa-dyug lang ang Ethel Booba tapos return home na! Kelan naman kaya ang balik-bahay ni Gladys Guevarra?

Halatang-halata na ng mga kababayan natin ang mistulang batang inaaruga ang mga possible winners na sina Will Devaughn at Jon Avila at ang tiyak na big winner na si Yayo Aguila.

Kaya nga hindi na masyadong pinapanood itong PBB dahil wala nang kaabang-abang pa. Sa halip kasi na mag-improve, Kuya seems to be sitting comfortably on his laurels at di na pinagbubuti ang contents ng bahay niya! What a way to build a star then! Sayang naman.

ALFIE LORENZO
Abante Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: