Bagong babae ni Jake Cuenca kilala na

FOOTLOOSE

AYAW kumpirmahin ni Jake Cuenca ang balitang break na sila ng kasinta-hang si Roxanne Guinoo. Kahit anong pilit na-min sa kanya during the birthday presscon cum Christmas party of Star Magic, wala talaga ka-ming mapiga sa binata.

“We’re okey! I’m not confirming anything. Magkahiwalay kasi kami ng trabaho at di rin kami madalas magkita lately. Right now, we’re prioritizing our career. There’s some stuff na I wanted to keep ito muna for myself,” makahulugang simula ni Jake.

After the birthday presscon and Christmas party ng Star Magic, nakita ulit namin si Jake sa photo shoot for Palos. Wala rin siyang inamin sa amin. Pero, halatang excited si-ya sa photo shoot ng kanyang biggest break sa TV.

And guess what? Ka-sama niya that afternoon ang isang napakagandang girl na dati na ring napapanood sa Let’s Go.

Her name is Bangs Garcia at do’n lang namin nalaman na siya pala ang partner ni Jake sa Palos.

Naku, hindi kaya ito na ang sinasabi sa tsismis na bagong babae ni Jake?

“It’s very unfair naman para kay Bangs na pagbintangan ng ganu’n. Ilang linggo pa lang kaming nagkakatrabaho. What we’re doing is purely work,” depensa agad ni Jake.

“Wala siyang kinalaman sa mga isyu sa amin ni Roxanne,” pagtatanggol pa ng binata kay Bangs.

Single and very much available si Bangs. Ito ang description niya sa amin about her status now. Nang tanungin namin siya kung may posibilidad na magkagusto siya kay Jake, walang kagatul-gatol niyang sinabi na oo raw.

“Lahat naman, eh, posible. Kaya lang, hindi ko pa siya ganu’n kakilala. At saka gusto ko munang mag-focus sa work namin dito sa Palos,” pahayag ni Bangs.

In fairness, sexy at intelihente itong si Bangs. Tiyak na marami ang mai-insecure sa dalaga once umarangkada na ang kanyang career sa Dos.

Going back to Jake, excited siyang ibinalita sa amin na flattered siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para magbida sa Palos.

“I’m really thankful. That’s why I’m doing everything para ayusin ang trabaho ko. Matagal din naman akong naghintay bago dumating ang ganitong break sa akin. Yung sinasabi nila na masyado raw mabilis ang mga nangyayari sa career ko, that’s not true. I’ve waited for five long years, bago nagkaganito,” kuwento pa niya.

Sa January 28 na ang airing ng Palos sa ABS-CBN. Tatlo ang direktor nito — Eric Salud, Toto Nati-vidad at Trina Dayrit, kaya tiyak na bongga ito!

LEO BUKAS
JOURNAL ONLINE

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: