Toni Gonzaga belies blind-item report about her boyfriend Paul Soriano

Itinanggi ni Toni Gonzaga na humingi siya ng special privileges sa ABS-CBN at Star Cinema Productions para bigyan siya ng solo presscon last December 12 para sa unang paglabas niya sa nagbabalik na teleseryeng Maging Sino Ka Man ng Kapamilya network.

“Wow! Hindi ko alam yun. Baka naman it has something to do with my character sa soap. Kasi may sikreto siya, e,” pahayag ni Toni sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pinaghahandaan ba niya ang mga kissing o love scenes niya with Sam Milby sa Maging Sino Ka Man kung meron man?

Toni Gonzaga belies blind-item report about her boyfriend Paul Soriano

“Wala siguro although hindi ko sure, ha. Ayaw ni Celine [Anne Curtis],” biro ni Toni.

Ayaw ni Celine o ayaw ng boyfriend niyang si Direk Paul Soriano?

“Wala, ‘no! Wala namang sinasabi ‘yon,” tanggi ni Toni.

Pero okay lang ba kay Direk Paul na makipag-kissing scene siya kay Sam sa Maging Sino Ka Man?

“Okey ba? Hindi naman ako nakikipag-kissing scene kasi,” sagot ng dalaga.

Magsisimulang mapanood ang character ni Toni sa Maging Sino Ka Man simula sa Lunes, Disyembre 17. Mukhang itotodo na ng ABS-CBN ang pagiging “all-around” artist ni Toni. In 2008, posibleng kilalanin na si Toni as a certified actress bukod pa sa pagiging award-winning TV host at multi-platinum artist.

“Kasi ako po, like what I said kanina, I don’t accept a project to prove myself. ‘After this project, I’m a certified actress.’ Of course, you would want. Every project na you will do, you will make a mark or you will be known for it. But like what I said, it’s up to the people how they will embrace the character and how they will accept me as an actress. Hopefully, they will,” paliwanag ni Toni.

May mga nagtataka naman kung bakit niya tinanggap ang role sa Maging Sino Ka Man to think na identified na ang show sa apat na bida ng teleserye na sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Anne Curtis, at Sam Milby. Alam naman kasi na nagbibida na si Toni sa Star Cinema at sa programa niya sa ABS-CBN.

“Ako naman kasi, if I accept a project, I don’t see it na I will accept the project because I’m bida here. I will overpower any of the cast. I accept a project because I’m convinced it is a good role and I’m ready for new challenges,” saad niya.

Busy man sa kanyang career, happy pa rin si Toni sa kanyang personal life. Si Direk Paul na raw talaga ang ka-match ni Toni dahil pareho ang relihiyon na kinabibilangan nila.

“Hindi naman po,” sabi ni Toni. “I don’t think it’s based on the religion, e. It’s more of, maano rin po siya, very understanding and ayaw din naman niya na ma-involve sa showbiz. I mean, it’s already enough that we admitted. That’s enough for him.”

As a boyfriend, ini-spoil ba siya ni Direk Paul?

“Tama lang,” sagot niya. “The relationship is very casual. Formal na casual, na layback. It’s very relaxed. It’s something na hindi ka mape-pressure. It’s a relationship na well-inspiring.”

Sa kabila nito, laman ng ilang blind item sina Toni at Direk Paul. Si Direk Paul diumano ang boyfriend na tinutukoy sa blind item na madalas magbabad sa bahay ng kasintahan na ikinaiinis ng ina ng babae.

“No, my cut off nga yun, e. Kapag nasa bahay kasi, may taping ako the next day. Dumadalaw lang ‘yon [Paul] para magdala ng pagkain. Hindi siya nag-i-stay talaga,” sabi ni Toni.

Hindi raw inuumaga sa bahay nila si Direk Paul. Hindi rin kasi ito maganda for her image. Although wala naman daw ibinigay na curfew kay Direk Paul si Mommy Pinty.

“Hindi naman kailangan bigyan ng curfew dahil ano naman, pormal naman si Paul, e. Alam naman niya yung tamang oras ng pagbisita sa bahay namin,” pagtatapos ni Toni.

JULIE B. BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: